4 patay, 3 sugatan
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang agent at isang civilian informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ayon kay National Capital Region Office chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr. nakakalungkot na nagkaroon ng misencounter na ang layunin ay sugpuin ang bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Lumilitaw na alas-5:45 ng hapon nang maganap ang ‘armed encounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa parking lot ng isang fastfood chain sa Commonwealth Ave.
Sinabi ni Danao na walang ideya ang PNP na ang kanilang katransaksiyon ay PDEA agents.
“Kung sino ‘yung nag buy-bust, sino yung ka buy-bust, ‘yun pa yung iniimbestigahan natin, ” ani Danao .
Kapwa nagsasabi ang dalawang ahensya na kumpleto ang kanilang mga koordinasyon pero nangyari pa rin ang shootout.
Papasok rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyang-linaw ang mga pangyayari.
Hindi umano maaapektuhan ang imbestigasyon ng NBI sa ginagawa ring imbestigasyon ng PDEA at PNP.
Nakilala ang dalawang nasawing pulis na sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa District Special Operations Group (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) habang hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng ikatlong namatay na isang PDEA agent.
Alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking area ng isang kilalang fastfood chain, sa tabi ng mall na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills.
Samantala, sinisilip ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng ang mga drug syndicate ang sumabotahe at kumilos kaya nagkaroon ng misencounter ang grupo ng Quezon City police at ng una. Ayon kay PDEA director Wilkins Villanueva na bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng impormasyon dahil sa patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na kanilang isinasagawa, tinitignan nila ang anggulo nang pananabotahe, napaglaruan ng sindikato o pwede rin naman na kapabayaan kaya naganap ang barilan.
Kaugnay nito, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring barilan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalungkot ang Pangulo matapos malaman ang nangyari at nangako na magkakaroon nang “masinsinang” imbestigasyon.
Kapwa rin nagpahayag ang Senado at Kamara na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa nangyaring barilan na sinasabing ‘misincounter’ sa pagitan ng dalawang law enforcement unit. (Daris Jose)
-
VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte
Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi. Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente. Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan. Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng […]
-
‘Walang nabuhay’: 4 na pasahero ng Cessna crash sa Albay natagpuang patay
HINDI nakaligtas ang ni isa sa mga pasahero ng maliit na eroplanong bumagsak malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon matapos silang matagpuang walang buhay, ayon sa isang local official nitong Huwebes. Kasama sa apat na pasahero ng naturang Cessna 340 aircraft ang dalawang Australyano nang mawala ito nitong Sabado matapos lumipad mula sa […]
-
“Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at […]