VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente.
Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan.
Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng kaniyang grupo gabi-gabi para lamang matulungan ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo.
Masyado raw siyang busy sa pagpupuyat para naman maabutan ng tulong ang mga nangangailangan.
Hindi rin nakaligtas mula sa ikalawang pangulo si chief presidential legal counsel Salvador Panelo na umano’y nagsusulsol sa pangulo ng fake news tungkol sa kaniya.
Kaya lang naman daw pikon na pikon sa kaniya ang pangulo ay dahil sa kung ano-anong maling balita na isinusumbong ni Panelo.
Kahit minsan aniya ay hindi niya tinanong kung nasaan ang presidente noong mga oras na hinahagupit ng kalamidad ang bansa.
Naniniwala umano si Duterte na si Robredo ang pasimuno ng “#NasaanAngPangulo” na naging trending sa social media noong kasagsagan ng bagyong Rolly at Ulysses.
-
Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office
TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28. Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon. “SSS assures the public that […]
-
LTO CHIEF, nag-utos ng muling pagsasanay sa mga LTO enforcers dahil sa nag-viral na insidente sa Bohol
AGAD inatasan ni Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief, Atty. Vigor D. Mendoza II ang pagsasagawa ng refresher courses para sa lahat ng enforcers ng ahensya sa buong bansa matapos ang viral na insidente sa Panglao, Bohol. “Ang insidenteng naganap sa Bohol ay nangangailangan ng mas malalim at sistematikong hakbang upang matiyak na […]
-
Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa
Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.” Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s […]