• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA

MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States  of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.

 

 

Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang manlalaro sa NBA kagaya ng kalibre nina Shaun Livingston ng Golden State Warriors, Aaron Brook ng Houston Rockets, Gary Payton II ng dating Washington Wizards  at Danuel House na lumaro dati sa Houston din.

 

 

“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” litanya ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagsusuot ng Makati Super Crunch jersey at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa De La Salle University Green Archers.

 

 

Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, pinakatigasin aaniya ang si Livingston, na nakatatlong kampeonato na sa US major cage league bilang kasapi ng Golden State Warriors.

 

 

Hindi rinnapag-iiwanan si House, na nasa rotation ng Rockets, maging si Payton  na anak ni NBA Hall of Famer Gary Dwayne Payton Sr.  (REC)

Other News
  • P270-P300 price freeze sa baboy

    Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF).     Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte […]

  • Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

    LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.   […]

  • Ads November 16, 2023