• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P270-P300 price freeze sa baboy

Inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy sa merkado, kasunod na rin nang pagsirit ng presyo nito dahil sa African swine fever (ASF).

 

 

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, iaapela ni DA Secretary William Dar kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng mula P270 hanggang P300 na price freeze.

 

 

“’Yun na nga ang ini­rerekomenda ng DA kay Presidente, tapos na po ‘yung consultation, suporta na lang ng ating stakeholders ang tini­tingnan,” ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, sa panayam sa radyo. “Ang sina-suggest ni Secretary ay P270 to P300 ang price freeze natin sa baboy.”

 

 

Sinabi ni Reyes na naglaan na rin ang DA ng inisyal na P400 mil­yon para sa repopulation ng mga baboy sa mga lugar na nagkaroon ng outbreak ng ASF.

 

 

Nabatid na ngayong linggong ito, ang kilo ng baboy ay umaabot ng mula P400 hanggang P420.

Other News
  • BEWARE THE NEW TRAILER OF “VENOM: LET THERE BE CARNAGE” / “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE” UNVEILS SPOOKY MAIN TRAILER

    YOU are what you eat.     Feast on the new trailer for Columbia Pictures’ upcoming action-thriller Venom: Let There Be Carnage, (https://www.youtube.com/watch?v=NPdyL1NSlto) opening exclusively in Philippine cinemas soon.     Tom Hardy returns to the big screen in Venom: Let There Be Carnage as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters.   […]

  • MAMBA DINIS-KUWALIPIKA BILANG GOVERNADOR NG CAGAYAN

    DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) second division si Manuel Mamba sa pagkapanalo  nito sa pagkagobernador noong 2022  sa Cagayan province dahil sa paglabag sa election election spending ban.     Ang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo , Commissioner Rey Bulay at Nelson Celis ay inihayag noong December 14,2022.     Ang […]

  • Ads October 17, 2022