Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon halaga ng shabu sa Navotas
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ang isang barangay tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, (pusher/ listed) ng Blk 34 Taurus St., at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Brgy. San Roque.
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas police deputy chief for operation PLTCOL Antonio Naag ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.
Ayon kay Col. Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga operatiba ng Navotas police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw. (Richard Mesa)
-
Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo […]
-
Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina
NAG-ALOK ang Social Security System (SSS) ng calamity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na […]
-
DOE, tiniyak na walang problema sa suplay ng langis sa Pinas
TINIYAK ng Department of Energy sa publiko na mayroong sapat na suplay ng langis ang Pilipinas. Sa isinagawang pagdinig ng Fuel Crisis Ad Hoc Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza na ang problema sa krisis sa langis ay bunsod ng tumataas na presyo. Dahil dito, […]