Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo na mayroong pag-asa sa kabila ng lahat.
Hango sa modernong disenyo, dama pa rin ang diwa ng Bulakenyo kung saan isang malaking hugis bituin na parol na yari sa singkaban ang nakalagay sa itaas ng Christmas tree na sumisimbolo ng liwanag at pag-asa matapos ang nakaraang kalamidad at kasalukuyang pandemya.
Ayon kay Imelda B. Arabe, arkitekto at nag-disenyo ng Christmas tree, ang disenyo ngayong taon ay binubuo ng 100 magkakaibang sukat na makukulay na Christmas wired balls at 100,000 na Christmas lights na magbibigay liwanag sa harap ng Kapitolyo.
Sinabi ni Fernando na ang pagpapailaw ng Christmas tree ay magdadala ng ligaya at pag-asa sa mga Bulakenyo at magpapaalala sa kanila na tuloy pa rin ang Pasko sa kabila ng pandemya na kinakaharap ng buong mundo.
“Sa pag-iilaw ng ating Christmas tree dito sa Kapitolyo, muli nitong ipinapaalala ang diwa ng pagkakaisa nating mga Bulakenyo lalo na sa oras ng krisis at paghihirap. Ito ang magsisilbing liwanag sa kabila ng dagok at dilim ng mga nangyari. Sana ay maging inspirasyon din ito para magbahagi tayo ng biyaya sa kapwa natin na nangangailangan,” anang gobernador.
Bago ang opisyal na pag-iilaw ng Christmas tree, tutugtog ang Bulacan Brass Band sa Hiyas ng Bulacan Convention Center at iaanunsyo naman ng the Provincial History Arts, Culture and Tourism Office ang mga nagwagi sa Paskong Bulacan Online Song Writing Competition. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]
-
Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata. Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]
-
Ads May 23, 2023