• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT

WALANG naramdamang anumang adverse effects  ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac  vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital.

 

Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang maturukan sila kanina ng bakuna laban sa corona virus disease o Covid-19.

 

Sinabi ng  tatlong opisyal sa press conference na wala silang naramdaman na systemic effect matapos ang unang dose ng bakuna.

 

Matapos silang mabakunahan ay isinailalim sila sa monitoring ng halos kalahating oras para malaman kung mayroon adversed effect.

 

Kasama rin sa minonitor ang ilang medical personnel na nabakunahan.

 

 

Ayon naman kay Domingo muli silang bibigyan ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine matapos ang apat na linggo.

 

Pinawi rin nila ang pangamba ng ibang health care workers na nag-aalinlangan sa bakuna na huwag ng matakot dahil ligtas ang bakuna na una na rin inaprubahan ng FDA.

 

Ipinaliwanag naman ni Legaspi na nagkaroon ng miscommunication kaya ang iba sa kanilang mga tauhan ay nagda-dalawang isip.

 

Giniit naman ni Legapsi na hindi pilitan ang  pagpapabakuna at walang dapat problema kung nais ng iba nilang health workers na pumili ng bakuna na nais nila. Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagbibigay ng Sinovac vaccines sa mga health care worker ng PGH.

 

Si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez ay nagpahuli naman  pagsalang para mabigyan ng bakuna. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Deputy Speaker Pichay, 30 yrs jail term sa graft cases – Sandigangbayan

    HINATULAN ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases.     May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA).   […]

  • Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

    Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.     Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.     Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.     […]

  • Sa IG post para sa kaarawaan ni Billy… Netizens nag-react sa hitsura ni COLEEN at may nanghinayang sa kanyang career

    NAG-POST sa Instagram si Coleen Garcia ng kanyang heartfelt message para sa birthday ng hubby na si Billy Crawford, kasama nito ang series of photos na kung saan makikita ang kanilang anak at daddy ng actor/singer/tv host.   Panimula ng caption ni Coleen, “I’m a day late (grinning face with sweat emoji) but happy birthday […]