• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Newsome lider na sa Bolts

MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9.

 

 

Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting  guard/forward ng Meralco.

 

 

“I think Newsome can be a good point guard since we always get the ball in his hands, plus he’s our leader in assist last conference,” bulalas kahapon ng Bolts coach.

 

 

Ang 30-year-old, 6-foot-2 Fil-Am dribbler  ang No. 1 scorer din ng team sa average na 14.45 points at  4.36 assists sa 45th PBA PH Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.

 

 

Aminado si Black na mahirap na desisyon ang pakawalan si Baser Amer na kasama ni Bryan Faundo na pinagpalit kay Rey Mark ‘Mac’ Belo sa Blackwater Bossing kamakailan.

 

 

Si Amer na starting point guard ng team sapul noong 2017-20 nang magretiro si Jimmy Alapag may apat na taon na ang nakararaan.

 

 

“We’ve been together for five years and we’ve made a good run together so it’s really an emotional moment for me trading him,” hirit ni Black. “On the other hand, we want to upgrade our front court and unload extra players in the backcourt because we have a lot of point guards in the team.”

 

 

Ang pinangalanang Outstanding Rookie ng bubble tournament na si Aaron Black, si Anjo Caram at si Nards Pinto ang bubuong back court ng Meralco.

 

 

Pinanapos ng mentor na aasa siya pagbabago ni Newsome upang maging isang combo guard, katulad ng papel ni Daniel Gabriel ‘Gabe’ Norwood sa Rain or Shine. (REC)

Other News
  • Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya

    NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa.     Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3.     Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]

  • SoKor kaisa ng PH sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa WPS

    TINIYAK ng South Korea na kaisa nila ang Pilipinas sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa West Philippine Sea.     Ito ang siniguro ni South Korean President Yoon Suk Yeol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kahapon, Lunes.     Sa Joint […]

  • Kampo ni Pacquiao inaayos na ang laban kay Barrios

    PATULOY ang ginagawang pag-aayos ng kampo ni dating Pinoy boxing champion Manny Pacquiao para sa muling pagsabak nito sa boxing ring.         Sinabi ni MP Promotions head Sean Gibbons, na kanilang inaayos mabuti ang laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios.     Dagdag pa nito na may mga ilang dokumento pa […]