Pagdanganan sa Abril pa makakahataw sa LPGA
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
PUMALO na ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event nitong Pebrero 25-28, ang Gainbridge LPGA sa Orlando, Florida, pero sa kalagitnaan pa ng Abril makakapag-umpisa ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.
Maaari ring umasa ang 23-taong gulang na Pinay golf star mula sa Quezon City sa LPGA Drive On Championship sa Golden Ocala sa nasabi pa ring estado sa Marso 4-7.
Kaya lang may kalabuan pa rin at malamang na sa Lotte Championship sa gitna ng Abril pa ang maging debut ni Pagdanganan ngayuong taon bilang second rookie season niya sa world major ladies golfest.
Sanhi ito nang pinaiiral na 2021 playability rules na katulad sa 2020 annual priority list para sa mga kalahok bawat kada linggo.
Pebrero 7 pa bumalik ng US si Pagdanganan na nag-average ng 283.07 yards sa 10 niyang torneo noong Hulyo-Disyembre. (REC)
-
Stock na bigas ng PH, inaasahang tataas ngayong Oktubre – DA
INAASAHANG tataas ang stock ng bigas sa Pilipinas ngayong Oktubre dahil sa inaasahang maaani na 1.9 million metrikong tonelada ng bigas. Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, inaasahang magtatagal ang suplay ng bigas hanggang 74 araw na tumaas mula sa 52 noong Setyembre. Bunsod […]
-
Ads September 20, 2024
-
Dahil happy naman kahit single: SAMANTHA, ‘di nagwi-wish na magkaroon ng lovelife
BIRTHDAY ni Samantha Lopez kahapon, October 18, pero hindi kasali sa mga birthday wishes niya ang magkaroon ng lovelife. Kahit single siya ngayon ay happy naman raw siya. “You know, kung may darating, kung may ibibigay si God, then, yeah, why not? Pero okay na rin, masaya naman, busy.” […]