• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 3rd, 2021

PH nakapagtala pa ng 30 bagong kaso ng UK variant, 2 ‘mutations’: DOH

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng sinasabing mas nakakahawang B.1.1.7 (UK variant) ng SARS-CoV-2 virus sa Pilipinas.

 

 

Batay sa press release ng ahensya, 30 ang nadagdag sa listahan ng UK variant cases matapos ang ika-walong batch ng whole genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center.

 

 

Sa parehong batch din natukoy ang 6 na unang mga kaso ng South African variant.

 

 

Kabilang sa 30 bagong kaso ng B.1.1.7. ang 20 returning overseas Filipinos (ROF).

 

 

Dumating sila ng Pilipinas sa pagitan ng January 20 at February 16 mula sa mga bansa sa Middle East, Singapore, at Amerika.

 

 

Ayon sa DOH, 13 sa mga ito ang asymptomatic active cases. Habang pito ay gumaling na.

 

 

Pare-pareho namang taga-Cordillera region ang tatlong iba pang bagong kaso ng B.1.1.7.

 

 

“One case is currently active and is admitted to a hospital, one has recovered, and one is a reported fatallity.”

 

 

“The linkage of the 3 local cases to previously reported B.1.1.7 variant cases in the region is currently being investigated.”

 

 

Sa ngayon inaalam pa ng Health department ang pagkakakilanlan ng pitong iba pang bagong kaso ng UK variant.

 

 

Paliwanag ng ahensya, nasa 87 lang ang kabuuang bilang ng B.1.1.7 cases dahil lima ang tinanggal sa 62 na orihinal na total cases.

 

 

“Upon submission of the sequencing data of the 62 original B.1.1.7 cases as of last count to the Global Initiative on Sharing of All Influenza Data (GISAID), GISAID reclassified five (5) cases as belonging to other variants.”

 

 

Bukod sa UK variant, nadagdagan din daw ng dalawa ang bilang ng kaso ng SARS-CoV-2 mutations mula sa mga COVID-19 cases ng Region 7.

 

 

“Based on the latest sequencing results, two (2) additional samples from Region 7 were found to have both N501Y and E484K mutations.”

 

 

“The DOH also reports that upon further verification, two (2) cases from Region 7 previously reported to have these mutations have been delisted, thus the total remains at 34 cases.”

3×3 tourney aprub sa PBA

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk.

 

 

Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito.

 

 

Kung non-bubble setup,  five legs at one grand finals per conference ang balak ng opisyal. Pero kung hindi papayag ang IATF sa non-bubble, magsasagawa na lang ang PBA ng 13-day bubble tournament na may tatlong two-day leg at isang two-day grand finals.

 

 

Plano ni tourney director Frederick Altamirano, na magkaroon ng 18 teams sa inaugural season ng event. (REC)

Jesus; Luke 6:38

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Give, and it will be given to you.

Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).

 

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.

 

Binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ilang salient provisions ng nasabing travel protocol.

 

Kabilang na rito ang hindi na required na sumailalim sa COVID-19 testing ang biyahero maliban na lamang kung ang “LGU of destination’ ay humihingi ng testing bago ang pag-byahe.

 

Ang testing ay limitado lamang sa RT-PCR test.

 

Hindi na rin required na sumailalim sa quarantine ang bIyahero maliban na lamang kung sila ay nagpakita ng sintomas pagdating sa “LGU of destination.”

 

Patuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na minimum public health standards, gaya ng physical distancing, hand hygiene, cough etiquette at pagsuot ng face masks at face shields.

 

Mahigpit ding ipatutupad ang clinical at exposure assessment sa lahat ng port of entry at exits samantalang ang health assessment ng mga biyahero ay mandatory ” upon entry in the port/terminal at exit” sa point of destination.

 

Pagdating naman  sa  kinakailangan na mga dokumento ay hindi na required ang travel authority na galing sa Joint Task Force COVID Shield at hindi na rin required ang health certificates.

 

Ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APORS) na nagtatrabaho sa gobyerno ay kinakailangan na magpakita ng identification card, travel order at travel itinerary.

 

Kailangan din ng mga ito na makapasa sa symptom-screening sa ports of entry at exit.

 

Samantala, Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ng Department of Science and Technology (DOST) ang magiging one-stop-shop application/ communication para sa mga biyahero.

 

Ang StaySafe.ph System ay gagamitin naman para maging primary contact tracing system.

 

Ang iba pang umiiral na contact tracing applications gaya ng Traze App, ay kinakailangan na mag- integrated sa StaySafe.ph System.

 

Samantala, pagdating naman sa ports at terminals, kailangan na may sapat itong quarantine/isolation facilities.

 

Ang lahat ng ports at terminals ay kinakailangan na magkaroon ng referral system kung saan ang symptomatic travelers ay maaaring ilipat sa quarantine / isolation facilities kung saan ang mag-aasikaso sa mga ito ay ang Bureau of Quarantine para sa mga paliparan o local health officials para sa LGUs.

 

Ang lahat naman ng buses sa Metro Manila na biyaheng probinsiya ay kinakailangan na gumamit ng Integrated Terminal Exchange bilang central hub para sa transportasyon.

 

Walang bus company at public transport ang pinapayagan na gumamit ng private terminals.

 

Ang mga LGUs naman  ay puwede ring magbigay ng transportasyon sa lahat ng mga byahero na magta-transit mula sa isang LGU papunta pa sa isang LGU “in case of arrivals” sa “air and seaports” papunta sa kanilang end-point destinations.”

 

Titiyakin naman ng DILG, Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), DOST at Philippine National Police (PNP), at pati na rin aniya ng LGUs, ang maayos na pagpapatupad ng mga asabing protocols.

 

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng ating mga lokal na opisyal dahil kapag mayroon po tayong “common procedure” eh mas mapapabilis po ang pag-byahe sa loob ng Pilipinas,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na may nadagdag na 63 na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

“Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown. Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng pamahalaang lungsod, maaari po kayong mag-email sa office.mayor@navotas.gov.ph” ani alkalde.

 

 

Paalala niya, manatiling mag-ingat dahil hindi nakikita ang virus at kahit hindi man aniya iindahin ang COVID-19, maaaring ang mga kasama sa bahay na mahihina ang katawan ang lubhang maapektuhan o mamamatay.

 

 

Unang isinailalim sa lockdown ang Navotas City Hall noong 23 February, 8:01PM,  hanggang sa Linggo, 28 February, 11:59PM matapos may 24 kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Nitong March 1, 2021, umabot na sa 6,137 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 358 dito ang active cases, 5,586 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)

Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team.

 

 

Sinabi ni Fernando na habang hindi pa natutuloy ang plano nitong Bulacan Sports Academy dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang layunin niyang palakasin ang mga Bulakenyong atleta.

 

 

“Gusto kong magkaroon ng advance learning and technology ang mga manlalarong Bulakenyo, pero sa ngayon, nang imbitahan tayo ng NBL, kinuha natin ‘yung opportunity na palakasin ‘yung ating mga homegrown basketball players at i-develop ‘yung kanilang discipline, sportsmanship and humility,” ani Fernando.

 

 

Ayon naman kay Cardenas, naniniwala siya at sumusuporta sa gobernador at nais din niyang ipakita na kayang makipaglaban ng mga Bulakenyo sa propesyunal at pambansang liga.

 

 

Samantala, sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na makakaasa ang lahat na sinusunod nila ang mga protokol sa kalusugan at palaro ngunit inaasahan din niya na ang mga atleta na rerespetuhin nila ang mga opisyal at iiwas sa anumang gulo sa palaro.

 

 

Ipinaliwanag naman ni NBL Executive Vice President Rhose Montreal na inimbitahan nila ang gobernador dahil batid nila ang pagmamahal nito sa isports kung kaya naman nailunsad ang proyektong Bola Kontra Droga ilang taon na ang nakararaan.

 

 

“We believe na kapag si Gob ang nag-handle mas magiging maayos at maalagaan ang team,” ani Montreal.

 

 

Bukod dito, inanyayahan din ni NBL Vice President for Operations Commissioner John Edward Aquino ang mga nangangarap maging propesyunal na manlalaro na ituloy ang kanilang mga pangarap.

 

 

“The only requirement is the PSA to prove that you really are a homegrown in that area. Apart from that sa age, since professional league na 21-35 na, and everyone will get a license from GAB, not just that coach and players but everyone in the team, and that is a matter of privilege, ibig sabihin ‘pag may ginawa kang mali at after maimbestigahan, pwedeng bawiin,” paliwanag ni Aquino.

 

 

Naitatag ang NBL noong 2018 bilang isang developmetal league at unang professional homegrown league sa mundo na naglalayong paghusayin ang talento ng mga homegrown na atleta ng mga bayan, lungsod o lalawigan na magsisimula sa Abril.

 

 

Kahanay  na ng NBL ang Philippine Basketball Association at Chooks-to-Go 3×3 sa listahan ng mga professional leagues sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na magkaroon ng exposure at hindi upang makipagkumpetensya sa kapwa nila propesyunal na paliga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Taguig City, Zele Wellness Center lalahok sa WNBL

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIDRIBOL na rin ang Taguig City at ang Zele Wellness Center para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 na nakatakdang ihayag sa mga susunod na araw  ang petsa sa pagsisimula ngayong taon makaraan ang negosasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Kinumpirma ng dalawang ballclub ang partisipasyon sa unang propesyonal na ligang pambabae sa sport sa bansa ngayong linggo upang itaas ang mga kasali sa pitong team.

 

 

Ang Taguig City Sports Division chief at National Basketball League (NBL) Taguig team coach na si Bing Victoria ang kumatawan para kay Mayor Lino Edgardo Cayetano, sa pagkumpirma ng pagsali ng lungsod sa WNBL.

 

 

Sina WNBL executive vice president Rhose Montreal at league commissioner Edward Aquino naman ang malugod na tumanggap sa aplikasyon sa liga ng nasabing koponan.

 

 

Nagalak din sina Montreal at Aquino sa pagbahagi ng ZWC nina team owners Rhys Anton Sicat at Xzandrei Jeigh Ajero kung saan ang coach ay si Corvi Concepcion.

 

 

Nabatid naman kay Victoria na huhugot sila ng mga manlalaro sa mga free agent  ng iba’t ibang team upang makabuo ng isang palaban ding koponan sa lalong madaling panahon.(REC)

Pagdanganan sa Abril pa makakahataw sa LPGA

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na ang 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 first full-field event nitong Pebrero 25-28, ang Gainbridge LPGA sa Orlando, Florida, pero sa kalagitnaan pa ng Abril makakapag-umpisa ang longest hitter ng nagdaang taon na si Bianca Pagdanganan.

 

 

Maaari ring umasa ang 23-taong gulang na Pinay golf star mula sa Quezon City sa LPGA Drive On Championship sa Golden Ocala sa nasabi pa ring estado sa Marso 4-7.

 

 

Kaya lang may kalabuan pa rin at malamang na sa Lotte Championship sa gitna ng Abril pa ang maging debut ni Pagdanganan ngayuong taon bilang second rookie season niya sa world major ladies golfest.

 

 

Sanhi ito nang pinaiiral na 2021 playability rules na katulad sa 2020 annual priority list para sa mga kalahok bawat kada linggo.

 

 

Pebrero 7 pa bumalik ng US si Pagdanganan na nag-average ng 283.07 yards sa 10 niyang torneo noong Hulyo-Disyembre. (REC)

ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night.

 

 

Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute.
“Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa tabi ko kahit na anong mangyari.    “Si @dimplesromana na isa sa pinakamabuting puso na makikilala mo na mahahawa ka sa pagmamalasakit sa tao, pagpupursige, pagiging totoo, at mabuting kaibigan.

 

 

“Si @gines.sarangaya na bukod sa napakatalino at maabilidad, ay mulat sa mga dinadananas ng tao at handang tumulong ano mang oras. Si Dra. @marevmatic2019 , na isang tunay na bayani. Kahit naka-quarantine ay nais pa ring magbigay serbisyo at makatulong.     “At syempre, sa lahat ng mga naniwala. Nakakahiya man na ako ang nabigyan ng parangal, pero sila po ang rason kung bakit ako nakakakilos. Sana sa pinakita nila, marami pa hong mabigyang inspirasyon.

 

 

“Maraming salamat FDCP.”

 

 

Sagot naman ni Dimples Romana sa kanyang post, “I love you Mars. Ngayon pwede ko na kayo mabisita kasi Hindi na ako matatakot mabanggit sayo ang surprise tribute.”

 

 

Maraming followers niya ang bumati at ganun din ang ilang mga stars tulad ni Ruffa Gutierrez,

 

“Congratulations Gel!! You are truly an inspiration. Mabuhay ka!!”

 

 

“Congratulations Gel! God bless your pure heart.” post naman ni Eula Valdes.

 

 

Say naman ni Dra. Marev Matic, You deserve it angel!!! Couldn’t think of anybody more commendable than you. Take care.

 

 

Thank you for allowing me to have a greater platform to help. It has been an utmost pleasure and honor to have worked with you guys @therealangellocsin, @neil_arce@dimplesromana, @gines.sarangaya. always keep safe, stay healthy and take care. Til the next outreach.…

 

 

Samantala, isa naman si Angel sa mga napiling bibigyan ng parangal sa 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magkakaroon ng virtual event sa March 22, 2021.

 

 

Kasama niya sa list ng first recipients ng ilulunsad na IVR (Isah V. Red) Award sina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rhea Anicoche-Tan at Claire de Leon-Papa dahil sa kahanga-hanga nilang pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng global health crisis.

 

 

Kaabang-abang din ang labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor na mula sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.      

 

Ganun din ang pagpaparangal sa EDDYS Icon awardees, pati na rin ang taunang special awards.

ANDREA, ini-enjoy ang pagiging single at dedma na lang muna sa lovelife

Posted on: March 3rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INI-ENJOY ni Kapuso actress Andrea Torres ang single life niya ngayon, kaya ayaw na niyang sumagot tungkol sa kanyang lovelife. 

 

 

Sa ngayon, ang dream niya, makapag-travel mag-isa sa ibang bansa, at gusto niyang puntahan ang mga lugar sa Europe.

 

 

“Inspired ako ng novel-turned-movie na Eat, Pray, Love, na ang bida ay nag-travel alone sa Italy, India at Bali,” kuwento ni Andrea.

 

 

“Iyong lead star, hinanap ang sarili matapo ang dinaanang hiwalayan sa karelasyon.  Kaya dream ko nga ngayon, mag-biyaheng mag-isa at gusto kong puntahan ang Europe. 

 

 

Mahilig kasi akong mag-ikot-ikot, maglakad-lakad, mag-explore-explore.

 

 

“Kahit dito sa atin, mahilig akong maglakad-lakad sa streets, puntahan kung ano lang ang maisipan kong cafe o restaurants, kahit mag-isa lamang ako. Kapag nasa abroad naman ako, gusto ko ring nakikipag-usap sa strangers. I make friends with them. 

 

 

Kaya kapag natapos na itong pandemic na pinagdaraanan natin, balak kong mag-travel alone, magkakalapit lamang naman ang mga bansa sa Europe, madali lang puntahan, mati-train mo lamang itong lahat.”

 

 

Naikuwento pa ni Andrea, kahit sa lock-in taping nila ng upcoming Kapuso primetime series nilang Legal Wives, ini-enjoy niyang i-explore ang lugar na mag-isa.

 

 

     “Minsan na nga akong naligaw sa pagbalik ko sa location namin.  Meron kasing lake doon sa lugar na gusto kong puntahan, pero hindi ko nakita at naligaw na rin ako sa pagbalik,” natatawang patapos ni Andrea.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang cultural drama series na Legal Wives sa GMA-7, kasama ni Andrea sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at iba pang cast, sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

     ***

 

 

AT five years old, mukhang gusto nang sundan ni Maria Letizia Dantes o si Zia nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang yapak ng mga magulang kapag nagkataon. 

 

 

Ngayon pa lamang kasi ay nagpapakita na ng hilig si Zia sa trabaho ng parents niya.

 

 

Sa Instagram post ni Dingdong last Friday na ipinakikita niyang may hawak na clapper si Zia sa harap ni Marian, while may suot itong fluffy cat ears sa kanyang ulo.

 

 

“My clapper loader and 2nd AC (assistant cameraman) for today,” caption ni Dingdong.

 

 

Ngayong pandemic, hindi na umaalis ng bahay si Marian, at si Dingdong nasa bahay lamang kung walang mahalagang dapat gawin sa labas.

 

 

Kaya si Marian, bilang host ng OFW drama anthology na Tadhana, ng GMA Network, ay sa bahay na lamang niya sinu-shoot ang mga spiels niya ng show, habang si Dingdong ang nagdidirek sa kanya.

 

 

Nakikita ni Zia ang ginagawa ni Dingdong, kaya hayun, nagprisintang clapper girl ng ama.

 

 

***

 

 

MASAYANG dumalo  ang pamosong TVJ ng Eat Bulaga, sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, sa 50th wedding anniversary celebration ng producer nilang si Mr. Antonio P. Tuviera at misis nitong si Mads Tuviera.

 

 

Kaya tuwang-tuwa ang tatlo nang for the first time, pagkalipas ng isang taon, dahil sa Covid-19 pandemic, ay muli silang nagkita-kita, sa isang mahalagang okasyon.

 

 

Si Senator Tito nakikita lamang nila kapag may Zoom meeting ito sa Senado, at sina Vic at Joey naman, kahit napapanood araw-araw sa kani-kanilang segment sa EB, work from home lamang sila kaya hindi  rin sila nagkikita nang personal sa APT Studios. (NORA V. CALDERON)