PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).
Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos na ihinto ng humanitarian organization ang pagtanggap ng Covid-19 tests na chargeable sa state insurer.
Ang PRC ang responsable para sa isang milyong COVID-19 tests o 1/4 ng 3.8 milyong test ng bansa.
Sinabi ng organisasyon na hindi na sila tatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded- tests P930 milyon sa PRC.
“It’s a matter really of accounting and payment. Di ko lang po masigurado pero parang tumatawad din ata tayo ng kaunti doon sa sinisingil ng PRC na wala naman daw pong problema,” ayon kay Sec. Roque.
“May mga papeles naman na ginagawa but I can assure you that at least half of that will be paid at the soonest time possible,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, tiniyak ni Pangulong Duterte kay Senador Richard Gordon na babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa Philippine Red Cross na aabot sa halos isang bilyong piso.
Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maghahanap ang gobyerno ng pera para mabayaran ang naturang utang.
Magugunitang itinigil ng Philippine Red Cross ang kanilang mass testing matapos umabot na hindi mabayaran ng Philhealth ang utang nito umabot na sa P930 million.
Balak naman ni Senador Gordon, na siyang tumatayong Chairman ng PRC, na imbestigahan ang Philhealth dahil sa hindi pagbabayad sa kanila sa kabila ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Red Cross at ng state health insurer. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval
MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas. Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]
-
Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH
MULING nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa darating na Undas ngayong Nobyembre. Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat […]
-
COA, pinuna ang Ormoc City dahil sa kabiguan na gamitin ang pondo para sa mga biktima ng Typhoon Odette
TINAWAGAN ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang Ormoc City government dahil sa kabiguan na gamitin ang P9 milyong halaga ng financial assistance mula sa Office of the President (OP) na dapat sana’y para tulungan ang mga biktima ng Typhoon Odette noong December 2021. Sa 2022 annual audit report ng COA ukol […]