IMMUNIZATION PROGRAM NG DOH KONTRA TIGDAS, IN-EXTEND HANGGANG MARSO 7
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
UPANG maabot ang target na population na 95%, pinalawig pa ng hanggang Marso 7 ang immunization program ng Department of Health (DOH) laban sa sakit na rubella, tigdas at oral polio vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).
Inulat ng DOH na hanggang noong March 1, 2020, 83.7% o 4,269,423 ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella habang mayroong 3,939,677 o 82.4% ng national target ang nabakunahan laban sa polio.
Ang Luzon,Region III aang may pinakamalaking nabakunahang sanggol at may edad 9-59 buwang gulang kontra tigdas at rubella na nasa kabuuang bilang na 881,789 o 91.1%.
Habang 1,026,404 o 90.6% na may edad 0-59 months old naman s aoral polio vaccination.
Sa National Capital Region (NCR), mayroong 873,532 o 85.7% ang nakatanggap ng measles at rubella vaccines.
At naabot naman ng Region IV-A ang 79.2% o 1,031,342 ng total coverage sa tigdas at rubella habang 79.1% o 1,205,345 ang nabakunahan kontra polio.
Sa Visayas, 87.7% o 579,319 sanggol at mga bata sa Region VI ang nmabakunahan kontra tigdas ay rubella na sinundan ng Region VII na may 78.5% o 544,047, at sa Region VIII na may 78.3% o 359,394 total coverage.
Mayroon namang 85.7% o 660,354 sa Region VI, 78% o 363,508 sa Region VII, at 76.7% o 411,066 ang nakatanggap ng polio vaccines.
Sa pagpapalawig ng immunization program at sa mahigit 800,000 bata na hindi pa nababakunahan sa mga target na rehiyon, muling hinikayat ng DOH ang mga magulang at legal guardians na pabakunahan ang kanilang anak na may edad 0-59 buwang gulang laban sa vaccine-preventable diseases sa ilalim ng MR-OPV SIA.
“Millions of children are saved every year from these diseases through vaccination. Thus, we call on our local government units to continue strengthening our vaccination programs and ensure maximum coverage under the MR-OPV SIA campaign,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III .
“To our parents and guardians, let us retain our confidence in vaccines and put our trust in science. These vaccines are proven safe and effective. Let us protect our children and not deny them the opportunity to grow into healthy individuals, free from vaccine-preventable illnesses,” hikayat pa ng kalihim. (GENE ADSUARA)
-
Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas – Duterte
INIHIRIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma. Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa […]
-
Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa
KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo. At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man o matanda sa masayang […]
-
Christmas bonuses, free legal aid para sa mga barangay tanod
IPINANUKALA ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbibigay ng Christmas bonuses at iba pang insentibo sa mga barangay tanods. Ito ay bilang pagkilala sa ibinibigay na serbisyo para sa pagmementina ng peace and order sa komunidad. Sa House Bill (HB) 10909, kabilang sa benepisyo na ilalaan sa mga barangay tanods […]