• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na

UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s re­gistration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.

 

 

Sa naturang bilang, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naiproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa ilalim ng regular na rehistruhan.

 

 

May inisyal na target ang Comelec na 1.5 mil­yon na magpaparehistro at madaragdag sa kabuuang bilang ng mga botante.

 

 

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na eleksiyon.

 

 

Ang regular na voter registration ay nakatakdang magtapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB walang operasyon, 20 empleyado may COVID

    Suspendido muna ang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ngayon may pinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).       Ayon sa LTFRB maliban sa restrictions sa ilalim ng MECQ nalaman rin na may 20 empleyado sa central office nito ang nagpositibo sa COVID.       Ganon […]

  • Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM

    PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang  nakasanayang korapsyon.     Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at  covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.”     “So we know, we in the government know what is necessary. So let us take […]

  • Kaabang-abang ang role niya sa ‘Senior High’: SYLVIA, pinayuhan si ANDREA lalo na sa mga bashers

    SA celebrity screening ng newest primetime series ng ABS-CBN na ‘Senior High’ na hatid ng Dreamscape Entertainment, may pasilip na ang character ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.   Gaganap siya bilang isang security guard sa school na kung saan nag-aaral ang kambal na sina Luna at Sky na ginagampanan ng ‘next important star’ […]