• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.”
“Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa halagang P39 lamang ay makakabili ka na ng isang kilong bigas. Inaanyayahan ko po kayong lahat na suportahan po ang ating tinatawag na ‘Super Kadiwa’ at tulungan po natin ang ating mga kababayang magsasaka,” dagdag na pahayag nito.
Ang ‘Super Kadiwa’, ay bahagi ng Kadiwa ng Pangulo, na sinimulan ngayong Abril at iikot sa iba’t ibang LGUs sa Kalakhang Maynila hanggang Hunyo.
Ang programa ayon sa Kalihim ay nagsisilbing platform kung saan ang mga lokal na magsasaka ay maaaring magbenta ng kanilang produkto.
Samantala, sinabi ni Abalos na maaaring bisitahin ng mga residente ang ‘Super Kadiwa’ store sa ROMVI Subdivision Covered Court, Barangay Moonwalk, Parañaque City sa darating na Biyernes at Camella Homeowners Association, Barangay Merville, Parañaque City ngayong araw ng Sabado.
Ang ‘Super Kadiwa’ platforms ay naunang ng binuksan mula Abril 15 hanggang 16 sa San Antonio, Parañaque City; Central, Quezon City; Tunasan, Muntinlupa City; Addition Hills, Mandaluyong City; San Juan City Hall; Pamplona Tres, Las Piñas City; Santo Tomas, Pasig City; Caloocan City Hall; Navotas City Hall; Poblacion, Pateros; at Dulong Bayan, City of San Jose del Monte, Bulacan.
Inilunsad dito ito sa Employee’s Park, Taguig City Hall; People’s Park, Malinta, Valenzuela City; Manila City Hall, Inner Court, Antonio Villegas St., Ermita noong Abril 16 hanggang 17.
Ito’y inorganisa ng DILG, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, at Department of Labor and Employment.
Samantla, tiniyak naman ni Abalos na sa lalong madaling panahon ay bubuksan naman ang ‘Super Kadiwa’ sa iba pang bahagi ng bansa upang bigyan ng mas marami pang access ang mga Filipino sa mas murang halaga ng bigas.
Other News
  • Magiging part ni KC, wala pa ring details: SHARON, naninibago pero excited na masaya sa concert nila ni GABBY

    ISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga excited na sa papalapit na “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27, 2023.  Na kung saan masasaksihan na ng kanilang masusugid na fans ang muli nilang pagtatanghal on stage. Say ni Sharon,  “Naninibago ako, the concert is a […]

  • Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw

    HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila.     Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya.     Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]

  • 2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

    SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina […]