• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina Joven Palileo, 40 ng Brgy. Marulas at Rose Villena alyas “Monay”, 21, ng Brgy. Bignay, kapwa ng lungsod.

 

 

Sa report ni Castillo kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU-NPD ng buy bust operation sa Galas St., Barangay Bignay kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P2,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P139,400.00; buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat pirasong P500 boodle money at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Organon: Championing Women’s Health at Every Life Stage

    IN THE dynamic landscape of healthcare, one area that is often overlooked and under-prioritized is women’s health. This is particularly significant considering that women constitute a substantial portion of the workforce and considered the backbone of society. In the Philippines, the labor force consists of over 50 million Filipinos aged 15 years and older, with […]

  • QC Mayor Belmonte muling nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa ikalawang pagkakataon si Quezon City Mayor Joy Belmonte.     Sinabi nito na nakaranas siya ng mild symptoms at kasalukuyang naka-quarantine sa isang pasilidad ng lungsod.     Dagdag pa nito na hindi niya akalain na magpositibo siya ulit matapos ang walong buwan ng unang nagpositibo sa nasabig virus.     Tiniyak naman […]

  • Dapat nga bang palitan angPangalan ng NAIA at gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’?

    Dadaan pa sa mahabang proseso ang panukala ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Una nang naghain ng panukala sa Kamara ang eldest son ng Pangulong Duterte, kasama sina Rep. Lord Allan Jay Velasco (Marinduque) at Rep. Eric Go Yap (ACT-CIS) ng […]