Abalos, iniwan ang MMDA
- Published on February 7, 2022
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang iniwan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos ang kanyang posisyon dahil simula ngayon, Pebrero 8 ay tatayo na siyang bilang campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
“I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” ayon kay Abalos.
Sinabi nito na naisumite na niya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang resignation letter.
Matatandaang, taong 2016 nang tumayo si Abalos bilang campaign manager ni Marcos nang tumakbo ang huli bilang bise-presidente.
Ang pagsama ni Abalos sa team ni Marcos ay nangyari isang araw bago ang paglarga ng campaign period ng mga tumatakbo sa national position.
-
Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president
Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments. Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]
-
1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl
Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga. Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671. Sinalubong ito ng vaccine czar na […]
-
Asa Miller nabigo sa unang event na kanyang nilahukan
HINDI nagtagumpay sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics ang nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller. Sa loob lamang kasi ng 21 segundo ng laro ay bigla na lamang bumagsak sa kumpetisyon ang 21-anyos na Filipino-American player sa first run nito. Dahil dito ay hindi siya nakapasok […]