Abalos isinusulong ang pag-amyenda sa local government code para sa mas maayos na serbisyo
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
IPINANGAKO ni Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na aamyendahan ang Local Government Code sa kanyang kampanya sa Cagayan de Oro noong Marso 12, dahil sa paniniwalang may mga lumang probisyon na humahadlang sa epektibong pamamahala.
Ayon kay Abalos, may mga bahagi ng Republic Act 7160 na naisabatas noong 1991 na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon, kaya’t kailangang baguhin upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.
Inihalintulad niya ang Local Government Code sa isang lumang bahay na unti-unting nagpapakita ng mga suliranin:“Ginawa ito more than 30 years ago, kung baga sa bahay ay nakikita na ang depekto.”
Bilang dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Abalos na nakipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga gobernador at alkalde hanggang sa mga kapitan ng barangay upang talakayin ang mga probisyong kailangang amyendahan.
Sa ginawang pagsusuri, natuklasan ni Abalos na marami sa mga isyung inilabas ng mga lokal na opisyal ay siya ring mga suliraning kanyang naranasan noong siya ay alkalde pa ng Lungsod ng Mandaluyong. Nagsilbi siya bilang alkalde sa loob ng 15 taon at tumanggap ng iba’t ibang parangal tulad ng Gawad Galing Pook, Apolinario Mabini Award, at ang prestihiyosong United Nations Public Service Award.
“Una dito ay yung barangay roads. Sabi sa Local Government Code ay dapat barangay ang magpapagawa nito pero alam naman ng lahat na walang kakayahan ang karamihan ng mga barangay para pondohan ito,” saad ni Abalos.
Habang may ilang barangay na pinalad na mapabilang sa mga highly-urbanized cities at mayayamang bayan, sinabi ni Abalos na karamihan sa mga barangay sa bansa ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa pondo.
Dagdag pa niya, nakasaad din sa kasalukuyang Local Government Code na ang mga lokal na pamahalaan ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga ospital at paaralan.
“Buti kung lahat ng mga LGU natin ay mayaman, pero hindi so saan ngayon kukuha ng pondo ang mga LGUs para magpatayo ng mga hospital para sa mga maysakit nating kababayan at mga paaaralan para sa ating mga kabataan?” ani ni Abalos.
Ayon kay Abalos, nililimitahan ng mga probisyong ito ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan sa antas ng barangay, dahil walang malinaw na gabay kung aling mga imprastruktura at proyekto ng mga LGU ang dapat suportahan ng pambansang pamahalaan.
“Kaya panahon na para baguhin natin ito para maibigay ang tamang serbisyo ng mabilis sa ating mga kababayan,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)
-
Ads July 17, 2021
-
Bakuna para sa COVID-19 baka magawa sa 18 buwan
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon na ng unang bakuna laban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang 18 buwan. “It may be 18 months before the first vaccine is available, so we have to do everything today, using available weapons,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang […]
-
COVID-19 wala na sa ‘Top 10 causes of death’ sa Pilipinas; DOH nagalak
WALA na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na “kaonti na lang” ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH). Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang […]