• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukol sa kinukwestyong budget… Speaker Romualdez, iba pa, kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng patung-patong na criminal at graft complaints sina House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng Kamara.

Ginawa ng mga complainant ang paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa kinukwestyong P241 billion ng insertions sa 2025 national budget.

Pinangunahan ang pagsasampa ng kaso nina dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Raul Lambino.

Maliban kay  Romualdez, kasama rin sa mga kinasuhan sina para sa falsification of legislative documents at graft ang mga sumusunod:

House Majority Leader Manuel Jose Dalipe

Former House appropriations committee chairperson and Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co

Acting appropriations committee chair Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo. (Daris Jose)

Other News
  • Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

    Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.   Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– […]

  • Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm

    PATULOY  na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado.     Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente.     […]

  • Gobyerno ni PBBM, muling bibisitahin ang 2025 growth targets sa gitna ng ‘kawalang-katiyakan’

    MULING bibisitahin ng mga economic official ng administrasyong Marcos ang kanilang macroeconomic targets sa gitna ng “kawalang-katiyakan” na nagsisilbing banta sa buong global economy. Sinabi ni National Economic and Development Authority (Neda) na ang pinakamahalang data na ipinalabas noong second quarter ay magiging pangunahing konsiderasyon para sa magiging desisyon ng mga economic manager kung ia-adjust […]