Abalos, nangako ng gratuity pay at insentibo para sa mga job order at contract service workers sa gobyerno
- Published on February 28, 2025
- by Peoples Balita
NANGANGAKO si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na magbigay ng regular na gratuity pay at insentibo para sa tinatayang 832,000 contract-of-service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno.
Ayon kay Abalos, kung mahalal siya sa 2025, sisiguraduhin niyang mabibigyan ng gratuity pay ang mga manggagawang nasa ilalim ng contract of service at job order, lalo na tuwing Pasko.
Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan bilang dating alkalde ng Lungsod ng Mandaluyong, kung saan nakita niyang nakakalungkot na hindi nakatatanggap ng anumang insentibo ang mga COS at JO workers tuwing Kapaskuhan dahil ito ay labag sa mga umiiral na circular ng COA at DBM.
“Ako naranasan ko nung mayor ako, talagang awang-awa ako na kung minsan sariling pera ko dahil di ko magastos yung sa City Hall dahil baka mamaya mapahamak ako. That’s a circular of COA at DBM,” isinalaysay ni Abalos.
Hindi tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno na may hawak na permanent, casual, temporary, co-terminus, at iba pang posisyon, ang mga manggagawang nasa job order (JO) at contract of service (COS) ay hindi nakakatanggap ng mga karaniwang benepisyo sa trabaho.
Batay sa datos ng Department of Budget and Management noong 2023, bumubuo ang mga JO at COS na empleyado ng 29.68% ng kabuuang lakas-paggawa sa gobyerno. Tinatayang mahigit 580,000 sa kanila ang nagtatrabaho sa mga lokal na pamahalaan, habang humigit kumulang 173,227 naman ang nasa iba’t ibang ahensya ng pambansang gobyerno.
Ang contract of service (COS) ay isang kasunduan kung saan ang mga indibidwal, kompanya o iba pang entidad ay kinukuha bilang consultant, tagapagsanay o teknikal na eksperto para sa mga natatanging proyekto sa loob ng itinakdang panahon. Samantala, ang job order (JO) ay tumutukoy sa mga trabahong piraso-piraso o pansamantalang gawain na isinasagawa sa maikling panahon para sa partikular na mga tungkulin.
“Sa lokal na pamahalaan at pati national government, meron tayong tinatawag na mga regular employees, meron tayong mga casual, merong contractual at meron mga job order. Apat po yan. Pero pagdating sa benepisyo, minimum benefits, ang kawawa lalo na yung dalawa. Yung job order at government service contractors,” saad ni Abalos.
Maliban sa mga yunit ng lokal na pamahalaan na may 580,323 JO at COS na manggagawa, ang iba pang ahensya na may kaparehong kasunduan sa trabaho ay ang mga National Government Agencies na may 173,227 manggagawa, mga State Universities and Colleges na may 44,168 manggagawa, mga Government-Owned and-Controlled Corporations na may 28,667 manggagawa at mga Local Water Districts na may 6,427 manggagawa.
“Huwag kayo mag-alala sa mga nakikinig po ngayon, yung mga job order o mga service contractors. Basta nandiyan na po tayo, gagawa tayo ng batas na maski incentive pay, gratuity pay, meron po kayo n’yan. You deserve it,” tiniyak ni Abalos sa kampanya ng Alyansa Para sa Pagbabago sa Negros Occidental. (PAUL JOHN REYES)
-
7 days quarantine na lang sa ‘bakunadong’ travelers
Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pitong araw ang quarantine protocol para sa mga Pinoy travelers na papasok ng bansa na nakumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa mga quarantine facility pa rin dadalhin ang […]
-
Ads September 24, 2022
-
QUIBOLOY, nananatiling nagtatago sa Pinas- DOJ
HANGGANG ngayon ay nakabinbin ang 2 warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil patuloy itong nagtatago sa Pilipinas habang ang hurisdiksyon ng kanyang mga kaso ay inilipat na sa Pasig City mula Davao. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at spokesman […]