• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, pabor na ibaba na ang NCR alert level

PABOR si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ibaba ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ayon kay Abalos sa isang panayam.

 

“Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag na pahayag nito.

 

Gayunman, sinabi ni Abalos na ipinauubaya na niya at ng mga Alkalde sa Kalakhang Maynila sa Department of Health (DoH) ang pagde-desisyon sa bagay na ito.

 

“Of course we leave that to the experts. Yan po talaga ang posisyon ng mga alkalde,” anito.

 

Nakatakda namang mapaso ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa darating na Biyernes, Oktubre 15.

 

Ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay iyong mayroong mataas at/o tumataas na COVID-19 cases habang ang total beds at ICU beds ay nasa high utilization rate. (Daris Jose)

Other News
  • PRESUMED VALID NGA BA?

    PAG MALINAW ang paglabag nito sa batas dapat pa bang ipatupad ang isang ordinansa ng LGU?     Ito ang tanong ng maraming motorista sa Manila LGU sa patuloy na pag confiscate ng driver’s license ng kanilang mga enforcers ayon sa ordinance 8092.     Sabi ng abogado ng Manila LGU – PRESUMED VALID unless […]

  • Deputy Speaker Pichay, 30 yrs jail term sa graft cases – Sandigangbayan

    HINATULAN ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases.     May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA).   […]

  • Ayuda sa mga Bulakenyong magsasaka, pinangunahan ni Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga kagamitan sa pagsasaka sa ginanap na “Distribution of STW and Assorted Vegetable Seeds for Farmers Affected by Water Shortage” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.   Tumanggap ng tig-isang shallow tube well ang may […]