Abogado ng Distrito Congressman na Ngayon
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
MASWERTE kung ituring ang residente ng ikatlong distrito sa lungsod ng Maynila makaraang magwagi bilang Congressman ni dating Majority Floor Leader at Councilor Atty. Joel Chua.
Kung pagbabatayan kasi ang kapabilidad, paglilingkod at malawak na kaalaman sa larangan ng serbisyo publiko, hindi matatawaran ang kakayahan ni Congressman Joel Chua kaya todo-suporta sa kanya si Mayor Isko Moreno Domagoso, lalu na ni Mayor-elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na siya ring nagtalaga sa kanya bilang Majority Floor Leader.
Kung susumahin ang performance ng Manila City Council, makasaysayan ng maituturing ito ngayon dahil sa unang termino nina Mayor Isko at Vice Mayor Lacuna ay umabot na sa mahigit 160 ordinansa ang kanilang naipasa bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng majority floor leader.
Ilan lamang sa talaga namang tunay na kapakipakinabang na hindi naisakatuparan ng mga nakaaraang administrasyon ay ang P500 monthly allowance para sa mga Senior citizen, PWD, solo parent at grade 12 public students sa Maynila, P1,000 monthly allowance para sa mga estudyante ng UDM at PLM, 20% reduction sa Real property Taxes, P800 birthday gift para sa mga senior citizens, ordinansa na mabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ang mga kwalipikadong senior citizen at PWD sa Maynila na pawang ipinangako ni Yorme sa kanyang kampanya.
Bukod pa rito siyempre ang mga ordinansa na ang mismong nag-akda ay ang majority floor leader na talaga namang mapapakinabangan ng mga Manilenyo, pati na ang mga ordinansa na nagbigay ng benepisyo sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.
Siyempre, bilang kinatawan ng ikatlong distrito, hindi rin tinalikuran ni Atty. Chua ang kanyang mga ipinangakong proyekto at programa, kabilang na rito ang pagkakaloob niya ng libreng legal assistance, Oplan Iwas Covid-19, Oplan iwas Dengue, sanitation, relief operations, medical and burial assistance, libreng kasal, at financial assistance.
At dahil isang magaling at de-kampanilyang abogado, si Konsehal Chua rin ang isa sa pinagkakatiwalaan nina Yorme at Vice Mayor Lacuna sa pagbabalangkas ng mga programa at proyekto na kinakailangan ang usaping-legal.
Malaki rin ang paggalang kay Atty. Chua ng kanyang mga kapwa konsehal, opisyal ng City Council at mga kawani dahil hindi nagbabago ang kanyang pakikitungo sa mga ito kahit pa nga maituturing na nakaka-angat ang kanyang posisyon at kaalaman, lalu na pagdating sa pag-ugit ng ordinansa at resolusyon.
Hindi naman siguro kaila sa lahat na bentahe para sa isang tatakbong kongresista ang pagiging abogado dahil may malawak silang kaalaman sa batas at ang talagang tungkulin ng isang kinatawan sa kongreso ay ang umugit ng batas.
Kaya sa mga taga-distrito tres ng lungsod, asahan niyo na ang tuloy-tuloy na serbisyo na ihahatid ng inyong bagong Congressman na si Atty Joel Chua. Isa ito sa mga ibinibida natin na Kongresista na madaling hanapin, madaling lapitan at magiging sandalan sa panahon ng pangangailangan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Final grades inaayos na: Graduation, moving up rites sa Abril tuloy – DepEd
TULOY pa rin ang graduation at moving rites ng mga estudyanteng nakatakdang magtapos ngayong taon. Iyon nga lamang ayon kay DepeD Usec. Alain Del Bustamante Pascua ay magaganap ito sa itinakda ng DepEd na Abril 13 hanggang 17 ang graduation rites na ang ibig sabihin ay isang buwan pa mula ngayon. Tatamaan aniya […]
-
‘Dry season,’ nagsimula na sa PH’ – Pagasa
TULUYAN nang humina ang northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Pilipinas mula sa Siberia at China. Kasabay nito ang paglakas naman ng mas mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko. Ayon kay Pagasa Administrator Vicente Malano, hudyat na rin ito ng pagsisimula sa bansa ng “dry […]
-
Tuwang-tuwa ang showbiz personalities na sumuporta kina BBM-SARA: TONI, babalikan na ang mga shows na tinanggap sa ibang network
IDINAAN sa Instagram ni Kapuso actress Alice Dixson ang pagpapakilala sa eldest daughter niya, si Sassa, na kasama niya at ng bunso niyang si Baby Aura, nang mag-celebrate sila ng Mother’s Day last Sunday, May 8. Caption ni Alice: “my lifetime to experience it twice’ first with Sassa, our panganay, nang dumating ang […]