• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec

Aabot  ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya.

 

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan.

 

Dahil dito nagbabala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa epekto ng pagpapasara sa ABS-CBN pagdating sa ekonomiya ng bansa.

 

“Sa panahon ngayon na grabe po ang krisis na dinadaanan natin, na pinalala pa ng pandemya ng COVID, ito yung bilyon na pwede mawala rin in the next 10 or 25 years, na supposedly na papasok sa ating pambansang ekonomiya,” ani Zarate.

 

Samantala, nanindigan naman si BIR commissioner Manuel Mapoy na regular na nagbabayad ng kanilang corporate taxes ang ABS-CBN.

 

Sa katunayan, sa pagitan ng 2016 hanggang 2019 ay aabot ng P15 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Chiz sa LTO: Tukuyin may-ari ng SUV na may plate number 7

    PINALALANTAD ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na may plate number 7 na pumasok sa exclusive bus lane at tinangka pang managasa ng isang babaeng traffic enforcer. Kinalampag din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) para matukoy ang may-ari at gumagamit ng sasakyan.     “I […]

  • 10 pm nationwide curfew sa menor-de-edad, isinulong

    MULING inihain sa Kongreso ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera- Dy ang bill na pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad.     Sa ilalim House Bill 1016, layong ipagbawal ang paggala ng mga menor-de-edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.     Ayon kay Herrera-Dy, hindi lamang pagbabawal ito sa mga minors kundi […]

  • Ads January 26, 2024