• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva balik-PBA na

Ikinatuwa ng koponan ng Phoenix Pulse ang balitang inaprubahan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbabalik sa liga ng kontrobersyal na si Calvin Abueva.

Ayon sa insider, nagtataka umano sila dahil biglang nagbago ang ihip ng hangin ni PBA Commissioner Willie Marcial na madalas sinasabi na kailangan pang maipasa ni Abueva ang isa pang test na hindi matapos-tapos ng tubong Pampangeno.

Malaki umano ang naitulong para sa maagang pagbabalik ng Phoenix star sa laro nang kumalat ang balitang kinukuha at pipirma na sa Japan B League si Abueva.

Matatandaang unang pumirma si Thirdy Ravena sa team ng Sun En-NeoPhoenix sa Japan, bago operan din ng isang team sa Japan si Abueva para maglaro bilang import.

Bukod kay Abueva, tumanggap din umano ng offer sa Japan bilang import sina Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Sinabi rin ng insider na ikinatuwa ni Marcial ang sinabi ni Abueva na mas prayoridad nitong maglaro sa PBA kaysa sa Japan kaya matiyaga nitong hinihintay ang desisyon ng liga sa kabila na mahigit isang taon na itong suspendido.

Pero, nagsalita umano si Abueva na kung hindi na siya papayagang maglaro sa PBA ay tatanggapin na niya ang offer ng Japan B League.

Idinagdag pa ni Marcial na kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago ni Abueva mula sa pag-uugali, pananalita pati na ang pagkilos nito.

Sa katapusan ng Agosto ay mapapaso na ang kontrata ni “The Beast” sa Fuel Master at kung hindi na ito palalawigin ng koponan ay nagkaabang umano ang koponan gaya ng Magnolia Hotshot at Brgy. Ginebra.

Other News
  • State of Calamity sa Luzon, epektibo hangga’t hindi binabawi ni PDu30

    MANANATILING epektibo ang State of Calamity sa Luzon hangga’t hindi ito binabawi ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.   Ito ang nakasaad sa proklamasyon na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.   Inilagay ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng  State of Calamity matapos manalasa ang mga bagyong  Quinta, Rolly at Ulysses sa mga nakalipas na linggo […]

  • Business groups sa China: ‘Igalang ang soberenya ng Pilipinas’

    Sumama na rin ang ilang malalaking grupo ng mga negosyante na umaapela sa China na lumayas na ang mga barko nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.     Kabilang sa mga business groups na nanawagan ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Management Association of the Philippines (MAP), Iloilo Business Cluib, Inc., Makati […]

  • Laurel, binalasa ang liderato ng DA

    ISANG malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA).     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento ay “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to […]