Abueva out pa rin sa PBA, misis nagngitngit sa galit sa socmed
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa rin makababalik sa hardcourt si Calvin ‘The Beast’ Abueva ng Phoenix Pulse para sa 45th Philipine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 na papailanlang sa darating na Marso 8.
Ayon kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, may mga dapat pang tapusing gawin ang basketbolista para tuluyang ma-lift ang kanyang suspension sa pro league.
“Nag-uusap kami. May pinag-uusapan pa kami. May pinapagawa pa ako,” dagdag ng opisyal ng propesyonal na liga.
Pinag-ensayo pa lang ng liga si Abueva para sa Fuel Masters simula pa noong Setyembre, ngunit pinagbabawalan pa sa mga tune-up game.
“Kapag naayos agad ‘yun at okay na, ie-elevate ko sa board kung ano ang recommendation ko,” panapos saad ni Marcial.
Multang P70,000 at ban sapul noong Hunyo si Calvin nang i-clothesline si TNT import Terrence Jones sa Commissioner’s Cup at pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Talk ‘N Text na si Maika Reyes.
Samantala, sumabog naman ang ngitngit sa social media ng asawa ni Abueva, na si Salome Alejandra ‘Sam’ Abueva dahil sa hindi pa rin pagpayag ng PBA na makabalik ang kanyang mister sa paglalaro para sa Phoenix Pulse sa pagbubukas ng ika-45 edisyon ng liga.
“Para sa lahat! Sana makarating sayo kung sino man ikaw? Kayo? Gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi pa rin nakalalaro ang asawa ko,” himutok ni Sam sa kanyang Instagram. “Hindi pa ba sapat ang siyam na buwan para sa parusa na binigay ninyo? Hindi pa ba sapat na lahat naapektuhan dahil sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati limang anak namin naapektuhan sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa Pampanga nagsasakripisyo para rito?” (REC)
-
Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela
ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan. […]
-
SSS 13th month at December pensions, matatanggap na sa susunod na linggo
Inihayag ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng kanilang milyon-milyong pensiyonado ang kanilang 13th month at 2021 December pensions sa unang linggo ng susunod na buwan. Sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio, kabuuang P27.5 bilyon ang ire-release na halaga ng SSS para sa 2021 December at 13th month pensions […]
-
May pakiusap na tigilan na ang pagko-comment sa dalawang luxury brands: SHARON, pinuri ng mga netizens sa simpleng cellphone na regalo kay MIGUEL
PINUPURI ng mga netizens at followers si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram niya post tungkol sa kanyang son na si Miguel na turning 13 na pala this week. Makikita nga ang larawan ni Miguel, na ang ganda ng ngiti habang hawak-hawak ang bagong cellphone niya. Caption ni Sharon, “Someone is turning […]