• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT

Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan.

 

Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan.

 

Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng hotel at pinatawan ito ng P10,000 multa, pero binibigyan naman ng karapatan na umapela sa mga penalties na ito.

 

Magugunita na sa City Garden Grand Hotel umupa ng kwarto ang flight attendant na si Christine Dacera at mga kaibigan nito para sa kanilang New Year’s Eve party.

 

Sa cr ng kwartong 2209 ng hotel natagpuan ng kanyang mga kaibigan si Dacera na wala nang buhay noong umaga ng Enero 1, 2021.

 

Samantala, pinapaalalahanan naman ng DOT ang mga accomodation establishments na mayroong certificate to operate bilang quarantine facility na bawal silang tumanggap ng guests para sa leisure activities.

 

Iyon namang mga hotels na may certificates to operate para sa leisure activities ay hindi pinapahintulutan na magsilbi bilang quarantine facilities. (ARA ROMERO)

Other News
  • Inamin ni Jo na na-starstruck siya sa aktres: SHERYL, hindi nagsasawa sa pagganap bilang kontrabida

    HINDI raw nagsasawa si Sheryl Cruz sa pagganap bilang kontrabida kahit na 18 years na niya itong ginagawa.   Kahit daw minsan nakapapagod ang magalit at magtaray, lagi raw handa si Sheryl lalo na kung first time niya makatrabaho ang isang artista tulad ni Jo Berry sa ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.   “I guess, isa sa […]

  • Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog

    MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, […]

  • Unti- unting pagbubukas ng domestic tourism

    IKINATUWA ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang unti- unti nang pagbubukas ng domestic tourism sa bansa.   Ayon kay Sec. Andanar, isa sa mga makikinabang sa nasabing hakbang na ito ng gobyerno ay walang iba kundi ang mga manggagawa na naapektuhan ng mga ikinasang lockdown.   Sinabi pa ni Sec. Andanar na […]