Unti- unting pagbubukas ng domestic tourism
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang unti- unti nang pagbubukas ng domestic tourism sa bansa.
Ayon kay Sec. Andanar, isa sa mga makikinabang sa nasabing hakbang na ito ng gobyerno ay walang iba kundi ang mga manggagawa na naapektuhan ng mga ikinasang lockdown.
Sinabi pa ni Sec. Andanar na kasabay ng pagbabalik trabaho ng mga manggagawa ay ang pagbabalik din ng kanilang pinagkakakitaan o source of income.
Malaking tulong din aniya sa ginagawang economic recovery ng pamahalaan ang pagbubukas ng turismo gayung isa ito sa pinakapangunahing nakakapag- ambag sa economic development ng bansa.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang Kalihim na sa mga susunod na araw ay unti- unti na ding magbubukas ang turismo sa Region 10 na naghahanda na ngayon ng tourism bubble na kagaya ng ipinatutupad sa Baguio. (Daris Jose)
-
Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi
MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas. Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista Kaya nanawagan pa […]
-
Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act
Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act. Ayon kay House Ways […]
-
Big man Davis binitbit ang Lakers sa big win vs Suns
Binitbit ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis ang koponan upang itala ang big win laban sa top team na Phoenix Suns, 123-110. Nagposte ng season high na 42 points at 12 rebounds si Davis upang manatili ang kanilang pag-asa na umabot sa NBA playoffs. Gayunman kailangang […]