Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.
Sa huling Joint Coordination Committee Meeting, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na aprubado na ang JICA-funded Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) para sa Metro Manila.
Saklaw nito ang 12 istratehiya upang masolusyunan ang traffic management issues, kung saan kailangang madaliin ang makumpleto ang pagpapahusay ng 42 traffic bottlenecks na natukoy ng CTMP Project at ang signal systems.
Kailangan ding simulan na ang pagpapabuti sa traffic corridors; mas mahusay na intelligent transportation system (ITS); palakasin ang traffic regulations, ang enforcement, at road safety; pagsulong ng active transportation; at makabuo ng comprehensive traffic management.
Samantala, si Takema Sakamoto, ang punong kinatawan ng JICA Philippines, ay nagpahayag ng kanilang pangako na suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa pagsisikip ng trapiko sa pamamagitan ng pag-aalok na ibahagi ang mga karanasan ng Japan sa pamamahala ng trapiko, partikular sa ITS, at private-public partnerships. (Daris Jose)
-
CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021
BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14. Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya. Kabilang ang 30 taong […]
-
$600 milyong infrastructure deal naisara sa Japan trip
NAKAKUHA ng $600 milyong infrastructure investment ang Pilipinas mula sa mga Japanese investors. Ito’y matapos magkasundo ang Filipino business tycoon na si Manny V. Pangilinan at major Japanese investor na Mitsui & Co. na mamuhunan sa sektor ng imprastraktura. “We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to […]
-
Kaya nahuhusgahan ng netizens: JULIANA, gumawa ng parody video na kinokontra ang naging pahayag ni ANGELICA
MAY nakahalungkat ng Facebook post dati ng komedyante na si Juliana Parizcova Segovia na gumawa ng parody video ni Angelica Panganiban, with Darryl Yap as director. Nahuhusgahan si Juliana ng mga netizens dahil sa parody video niya kunsaan, walang duda naman na kinokontra niya sa kanyang content ang mga naging pahayag ni Angelica […]