ADB bibigyan ng pondo ang 4 na DOTr projects
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
ANG Asian Development Bank (ADB) ay nakatalagang aprubahan ang funding para sa apat (4) na priority projects ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa Manila-based na multi-lateral bank, nakahanay na para aprubahan ang EDSA Greenways Project, South Commuter Railway Project, Davao Bus Project at ang MRT 4 Line mula Ortigas papuntang Rizal province.
“The technical loan discussions for EDSA Greenways have been completed and the bank is aiming for board approval of the project by yearend, with partial operations to be enabled by the end of 2021,” ayon kay Ramesh Subramaniam, director general, ADB’s Southeast Asia Department.
Ito ay isang proyekto na magtatayo ng elevated walkways sa areas ng EDSA na may madaming tao upang magbigay ng seamless connection sa pagitan ng transport terminals tulad ng train at public utility vehicle stations.
Habang ang South Commuter Railway Project na siyang magdudugtong sa Manila papuntang Calamba sa Laguna ay nakahanay din para sa board approval sa darating na first quarter ng 2021.
Susundan naman ito ng pagbibigay na approval sa Davao bus project at ang MRT 4 Line sa susunod din na taon.
“I would like to reiterate ADB’s full commitment to the Philippines’ Build, Build, Build infrastructure program and our strong partnership with DOTr,” sabi ni Subramaniam.
Samantala, nilagdaan naman ang huling tatlong (3) contract packages para sa Malolos-Clark railway project. Ang tatlong (3) civil contracts para sa malaking project ng ADB ay nilagdaan noong Oct. 8 kung saan kumpleto na ang limang (5) contract packages na kailangan upang umusad ang project at masimulan sa lalong madaling panahon. Inaasahang magakakaron ng partial operation sa 2023.
Ang naunang dalawang (2) contracts para sa project ay nilagdaan noong August. Para naman sa tatlong (3) contracts, ang civil works contract ay nagkakahalaga ng $2.5 billion mula sa DOTr.
Kung masisimulan na ang pagtatayo ng Malolos-Clark Railway Project, at least 24,000 ang mabibigyan ng trabaho sa susunod na tatlong (3) taon at 1,400 na trabaho din ang malilikha sa panahon ng operation phase.
Dahil sa multiplier effects, maraming indirect employment at iba pang industrial benefits sa mga lugar na malapit dito ang mangyayari.
Magkakaron din ng longer-term transformative benefits ang mangyayari mula sa rail investment na ginawa dahil makakaron ng mas magandang connection sa pagitan ng mga bayan at lungsod. Ito rin ay isang clean investment dahil mababawasan ang CO2 emission.
-
JEAN, sunud-sunod ang IG post na patama sa manugang na si ALWYN at na kay JENNICA kung makikipagbalikan pa
MAGKASUNOD na Instagram post ang pinakawalan ni Jean Garcia. Wala man itong direktang tinag o minention ngayon, pero dahil nauna na ngang nagsalita siya at nag-post sa pagka-disgusto sa ginawa at tila pambabalewala sa kanya ng manugang, madaling i-assume na patama pa rin kay Alwyn Uytingco ang magkasunod na post niya. […]
-
Walang ginamit na public funds para sa kontrobersyal na video ng “Love the Philippines”
DUMIPENSA ang DDB Philippines, ang advertising agency na gumawa ng kontrobersiyal na audio-visual presentation ng tourism slogan campaign na “Love the Philippines” ng Department of Tourism (DOT) na wala umanong public funds na nagastos para dito. Ito ay matapos umamin ang naturang ad agency na gumamit ito ng ilang hindi orihinal na video […]
-
Malaking opportunity ito para sa Kapamilya actress: DIMPLES, isa sa napiling maging juror para sa ‘International Emmy Awards’
PARANG negative sa ilan base sa nababasa naming comments at naririnig ang pag-attend ng Kapuso star na si Sanya Lopez sa ginawang oathtaking ng bagong Vice President ng bansa simula sa July 1 na si Sara Duterte. Sa Davao pa ang oathtaking at kasama ng ilang big bosses ng GMA-7 ay tila very […]