Adelaide 36ers talo kontra Perth Wildcats
- Published on January 17, 2023
- by @peoplesbalita
Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena.
Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa 2-of-6 shooting dagdag ang tig-2 rebounds at blocks sa 10 minutong salang para sa pagbagsak ng 36ers sa ikatlong sunod na olats.
Naging starter sa nakaraang taon, bumulusok ding paibaba ang dating Ateneo de Manila University Blue Eaglets center sa huling dalawa salang.
Nagpabibo naman ang Wildcats laban 36ers na tumalon sa mabilis na double-digit na abante, na umabot pa sa 32-17 pagkatapos ng unang 10 minuto ng paligsahan. Naiwanang Adelaide ng hanggang 32. (CARD)
-
Incentives ni Onyok Velasco na P500,000 naibigay na – Palasyo
Naibigay na ng gobyerno ang inaasam na pagkilala kay 1996 Atlanta Olympic silver boxing medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco. Kasama kasi si Velasco na binigyan ng parangal kasabay ng mga nagwagi sa 2020 Tokyo Olympics. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi at […]
-
Pacers, patuloy ang paghahanap ng bagong coach
Patuloy pa rin ang paghahanap ng Indiana Pacers ng head coach. Ito ay matapos ang isang linggong pagsibak kay Nate McMillan bilang head coach ng koponan matapos ang pagkabigo nila sa NBA playoffs. Sinabi ni Pacers team president Kevin Pritchard, na ang katangian ng coach na kanilang hinahanap ay yung kayang dalhin ang […]
-
CAAP patuloy na iniimbestigahan ang pag-overshot ng Korean Air sa runway ng Cebu-Mactan International Airport
PATULOY na inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pag-overshot ng Korean Air Lines sa runway ng Mactan-Cebu International Airport nitong gabi ng Linggo. Agad na dinala sa iba’t-ibang hotel ang mga pasahero habang inaayos pansamantala ang malilipatan ng mga ito. Sa inisyal na imbestigasyon ang […]