• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacers, patuloy ang paghahanap ng bagong coach

Patuloy pa rin ang paghahanap ng Indiana Pacers ng head coach.

 

Ito ay matapos ang isang linggong pagsibak kay Nate McMillan bilang head coach ng koponan matapos ang pagkabigo nila sa NBA playoffs.

 

Sinabi ni Pacers team president Kevin Pritchard, na ang katangian ng coach na kanilang hinahanap ay yung kayang dalhin ang koponan sa kampeonato.

 

Wala rin aniya itong masamang masasabi kay McMillan dahil nakamit nila ang pang-apat na best-record sa Eastern Conference at kanila itong ipinagmamalaki peo kailangan din aniya nilang magtagumpay sa playoffs.

 

Ilan sa mga kwalipikasyon na hinahanap nito sa isang head coach ay dapat maintindihan ang bagong kultura ng koponan ganun din ang pakikipag-communicate sa digital world.

Other News
  • KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso

    KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado.   Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito.   Kasabay nito, ang […]

  • Omicron wave sa Amerika, nagsimula nang bumaba

    NAGSISIMULA nang bumaba ang omicron wave sa United States sa New York at iba pang malalaking lungsod dito.     Ito ay kahit na umabot sa mga “new highs” ang COVID-19 hospitalizations dito batay sa lagging indicator nito.     Ang trend ng pagtaas sa mga kaso ng omicron na sinusundan ng parehong mabilis na […]

  • Pribadong sektor, hindi nagpapatupad ng ‘no jab, no pay’ policy —Concepcion

    ITINANGGI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na nagpapatupad ang pribadong sektor ng “no vaccine, no salary” policy.   “‘No jab, no pay,’ that’s not true,” diing pahayag ni Concepcion sa isang virtual press briefing.   “None of the companies that we are aware of are implementing ‘no jab, no […]