Adik na mister kinasuhan, misis kinatay
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI umobra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos tuluyan itong patahimikin nang pagsasaksakin ito sa loob ng kanilang silid, iniulat kahapon (Miyerkules) ng umaga sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, at kapwa residente ng Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan.
Batay sa report ng Sta Barbara Police Station, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng mag-asawa sa nasabing lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto na nauwi sa pananaksak na ikinamatay ng biktima.
Kwento ng mga anak ng biktima, narinig pa nilang nag-aaway ang kanilang mga magulang subalit makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang tumahimik.
Lumabas sila ng kanilang silid para alamin ang nangyari pero nakita na nila ang ama na duguan ang mga kamay at naghuhugas habang ang kanilang ina ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.
Kaagad naman humingi ng tulong sa awtoridad ang mga anak pero mabilis na tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo.
Nabatid na kinasuhan ng biktima ang suspek ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) dahil sa pananakit sa kanya, subalit nakakapunta pa rin ito sa kanilang bahay.
Ayon pa sa pulisya, isa sa mga drug personality si Loresco sa bayan ng Sta. Barbara.
-
PAGLUWAG SA TRAVEL RESTRICTION, HUDYAT NG PAGTAAS NG DAYUHANG BIYAHERO SA BANSA
UMAASA ang Bureau of Immigration (BI) na ang pagluluwag sa travel restrictions ay hudyat na tataas ang bilang ng mga biyahero sa Pilipinas. Sinabi ng BI Commissioner Jaime Morente na ang pag-aalis ng RT-PCR requirement para sa mga paparating na biyahero at ganap na bakunado at kahit na isang booster shot ay nakakaengganyo […]
-
Preparasyon sa SONA 2023, sinimulan na
NAGSAGAWA nang pagpupulong ang Kamara, representante mula sa Office of the Presidential Protocol at Senado para sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos. Kasama sa tinalakay ang mga plano, pagsasaayos at ideya sa nasabing kaganapan. Ayon kay HRep Secretary General Reginald Velasco, ang pagtalakay […]
-
Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial
WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9. Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa […]