Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila.
Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon, una nilang ginamit ang mga hotels bilang quarantine areas at may mahigit 1,000 pang available rooms.
Ayon kay Sec. Dizon, nasa 22 quarantine facilities naman sa Metro Manila ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at magagamit na ito sa dalawa hanggang tatlong linggo.
Ang mega quarantine facility rin sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ay magiging operational na rin sa susunod na linggo habang ang Razon Group ay may dine-develop na 500-bed facility sa Entertainment City sa loob ng property ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. (Daris Jose)
-
Kailangan nang magtrabaho para sa medical bills: BIMBY, babalik na ng ‘Pinas after ng birthday ni KRIS
SI Queen of All Media Kris Aquino mismo ang nagbalita na uuwi na ng Pilipinas ang bunso niyang anak na si Bimby sa susunod na buwan. After nga ng kanyang health update, inamin ni Kris na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil tumataas na ang kanyang medical bills. Isa nga sa […]
-
Ads September 30, 2024
-
Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano
SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas. Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’ “Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” […]