• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon

HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng  P31 billion calamity fund para sa taong 2024.

 

 

Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad.

 

 

Kilala rin bilang  National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang  calamity fund ay mas mataas ng 51.2% kumpara sa kasalukuyang  P20.5-billion appropriation.

 

 

Saklaw ng P31 billion  ang  P17.9 billion na angkop para sa “aid, relief and rehabilitation services to communities/areas affected by calamities, including training of personnel, and other pre-disaster activities.”

 

 

Ang  pigura ay tumaas mula sa P12.3 billion na alokasyon ngayong taon.

 

 

Kabilang din ang  P13.05 billion, mula sa kasalukuyang  P7.1 billion,  para sa “repair and reconstruction of permanent structures, including capital expenditures for pre-disaster operations, rehabilitation and other related activities.”

 

 

Hindi naman kasama sa  panukala ng  NDRRMF ang ‘ line item’ para sa  Marawi Siege Victims Compensation Fund, na mayroong P1 billion alokasyon para ngayong taon.

 

 

Ang Republic Act 11696 o  Marawi Siege Victims Compensation Act ay nilagdaan upang maging ganap na batas noong April 2022, lumikha ng  Marawi Compensation Board.  Ang  board ay nakalista ng hiwalay sa ilalim ng “Other Executive Offices” at may panukalang budget na P1,117,555,000 para sa taong 2024.

 

 

Samantala, ang panukalang calamity fund ay naglalaman ng P7.425 billion Quick Response Fund (QRF) para sa “Department of Agriculture (P1 billion, kahalintulad ngayong 2023), Department of Education (P3 billion, tumaas mula sa  P2 billion ngayong taon), Department of Health  (P500 million, kapareho ngayong taong 2023), Department of Interior and Local Government (DILG)-Bureau of Fire Protection (P50 million, kaparehong ngayong taon),  DILG-Philippine National Police  (P50 million, kapareho ngayong taon), Department of National Defense-Office of Civil Defense  (P500 million, kaparehong ngayong 2023), Department of Public Works and Highways  (P1 billion, bumaba mula sa  P11 billion ngayong taon), Department of Social Welfare and Development  (P1.25 billion, bumaba mula sa  P1.75 billion ngayong taon) at  Department of Transportation-Philippine Coast Guard  (P75 million) (Daris Jose)

Other News
  • Mas marami pang ruta ng bus, dyip, UV bubuksan ng LTFRB

    Magbubukas pa ng mas maraming ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga bus, jeep, at UV Express units sa mga susunod na araw.   “We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” ani […]

  • 70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30

    SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng  Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19.     Sa pinakabagong  report  ng  National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population  ang nakakumpleto na […]

  • Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results

    Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na.     Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination […]