• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumikha ng Inter-Agency Committee para sa Right-of Way Activities para sa Railway Projects

LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Inter-Agency Committee for Right-of Way (ROW) Activities para sa National Railway Projects para i- streamline ang proseso ng land acquisition na kailangan para sa implementasyon ng lahat ng railway projects sa bansa.

 

 

“The Inter-Agency Committee for ROW Activities for National Railway Projects (Committee) is hereby created to study and devise an efficient and collaborative mechanism to streamline the process of land acquisition necessary for the implementation of all railway projects,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pagpapalabas ng Administrative Order No. 19, may petsang Marso 25.

 

 

Kabilang sa kapangyarihan at tungkulin ng komite ay “coordinating the implementation of railway policies and projects, crafting and approving project-specific policies and programs, and identifying the appropriate services or programs concerning land acquisition and other ROW activities, such as livelihood, income restoration, and resettlement.”

 

 

Tutukuyin din nito ang mga epektibong umiiral na polisiya, kasunduan, kontrata at iba pang kahalintulad na arrangements sa pagitan at hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan, i- consolidate at i-mobilize ang agency resources para i-streamline ang “budgeting, deliberate and resolve issues, grievance at create technical working groups” para ipatupad ang kautusan.

 

 

Itinalataga naman ng administrative order (AO) ang Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) bilang chairperson habang ang pinuno naman ng Department of Human Settlements and Urban Development ang tatayo bilang co-chair ng komite.

 

 

Kabilang naman sa mga magiging miyembro ng komite ay ang Department of the Interior and Local Government (DILG); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Environment and Natural Resources (DENR; Department of Finance (DOF); Department of Budget and Management (DBM); Department of Justice (DOJ); at Office of the Solicitor General (OSG).

 

 

Ang Philippine National Railway (PNR) ang magsisilbi namang Secretariat ng komite at dapat na mag-provide ng administrative at technical support sa body.

 

 

Pinahihintulutan naman ng Republic Act (RA) No. 10752, o “Right-of-Way (ROW) Act” ang gobyerno na “to acquire real property needed as ROW site or location for any national government infrastructure project through donation, negotiated sale, expropriation, or any other mode of acquisition.”

 

 

Sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyon at 8-Point Socioeconomic Agenda nito, layon nito na paghusayin at ayusin ang Philippine transportation sector sa pamamagitan ng pagbibigay ng “sustainable at affordable transportation options” na mag-uugnay sa mga komunidad sa economic, social at cultural centers.

 

 

Samantala, ang Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway System, Mindanao Railway Project, at PNR South Long Haul ay kabilang sa mga pangunahing infrastructure projects ng administrasyon sa sektor ng transportasyon na naglalayong palakasin ang mobility, i-enhance ang connectivity at i- promote ang growth centers sa labas ng urban-industrial region. (Daris Jose)

Other News
  • El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA

    ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan.     Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa […]

  • Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

    UMARANGKADA pa nang husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.     Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan […]

  • Libreng bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng LGUs, welcome sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang ikinakasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Makati, Pasig, Valenzuela, Navotas at Paranaque na pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangangahulugan lamang na maraming budget para bumili ng vaccine.   “Well, unang-una .. lahat po ng transaksyon sa mga manufacturer will be government to […]