• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyong Duterte ‘doer not a talker’

“ACTIONS speak louder than words and the results speak for themselves.”

 

 

Ito ang paglalarawan ni Presidential Adviser on Covid-19 Response, Secretary Vince Dizon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Para kay Dizon, “talk is cheap” at kinukunsidera niya ang kanyang sarili na “napaka-suwerte” na makatrabaho ang economic team ng Pangulo at maging bahagi ng “Build, Build, Build” team sa loob ng limang taon.

 

 

“I can tell you that under the leadership of the President, under the leadership of (Finance Secretary) Sonny Dominguez, (Transportation) Secretary Art Tugade, former (Public Works) Secretary and now senator-elect Mark Villar, and of course, our Executive Secretary, Salvador Medialdea, no one exemplifies those three quotes better than the economic team and the ‘Build, Build, Build’ team. So please let us give credit where credit is due and these are the men who exemplify the best of public service,” ayon kay Dizon sa Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, araw ng Lunes.

 

 

Pinuri ni Dizon ang “unprecedented” whole-of-government approach ng administrasyong Duterte sa national agencies, local government units, at pribadong sektor para labanan ang epekto ng Covid-19 pandemic para sa mahigit na dalawang taon na ngayon.

 

 

“I dare say, if not for the very bold, decisive, and swift action of the President and the likes of (vaccine czar) Secretary Carlito Galvez, (Local Government) Secretary Ed Año, (Defense) Secretary (Delfin) Lorenza, and (Health) Secretary Francisco Duque, we would not be here where we are today,” ayon kay Dizon.

 

 

“That unprecedented whole-of-nation call of the President signaled unprecedented cooperation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos aniya ang mga taon na pagharap sa krisis sa pangkalusugan, sinabi ni Dizon na naibalik ng pamahalaan ang trabaho, negosyo at normal na operasyon ng transportation sector.

 

 

Pinuri rin niya ang “unprecedented” cooperation at partnership ng private sector sa pamahalaan upang mas lalo pang palakasin ang pandemic responses, kabilang na ang pagtatayo ng Covid-19 testing laboratories at treatment facilities, at maging ang pagpapaigting ng vaccination program.

 

 

Ang National Task Force Against Covid-19, sa pangunguna ni Galvez, ay palaging nasa forefront ng vaccine procurement at inoculation program, tinukoy ito ni Dizon habang inaalala na hinarap nila ang kaliwa’t kanang pambabatikos sa simula pa lamang ng programa.

 

 

“The government’s massive and collaborative efforts allowed the Philippines to acquire over 200 million doses of Covid-19 vaccines,” ani Dizon sabay sabing ang mga suplay ay “more than enough” para sa proteksyon ng mga Filipino laban sa nakamamatay na sakit. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa magandang cover ng Singaporean magazine: LIZA, pinuri ng Filipino-Canadian actress na si SHAY MITCHELL

    HINDI na raw masyadong nagulat si Carmina Villarroel sa pag-amin nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa nararamdaman nila sa isa’t isa.     Noon pa raw ramdam ni Mina na importante si Kyline sa buhay ng kanyang anak na si Mavy, kaya naman suportado raw niya ang happiness ng dalawang batang ito.     […]

  • Rigodon sa Kamara: Kumalaban kay Cayetano, hinubaran ng chairmanships

    KASUNOD ng ugong ng kudeta sa House Leadership, nagpatupad ng rigodon kahapon sa House Committee Chairmanship kung saan tinanggalan ng pwesto ang ilang mambabatas na hindi kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring nasa likod ng ouster plot.   Sa pagsisimula ng House Plenary Session kahapon (Lunes) ay agad na nagmosyon si Senior […]

  • HERE’S KRYPTO, THE SUPER-DOG IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    MEET Krypto, the Super-Dog and Superman’s best friend in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets.”  Here to sit, stay and save the world.     Check out the featurette “Meet the Pets – Krypto the Super-Dog” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   […]