Rigodon sa Kamara: Kumalaban kay Cayetano, hinubaran ng chairmanships
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
KASUNOD ng ugong ng kudeta sa House Leadership, nagpatupad ng rigodon kahapon sa House Committee Chairmanship kung saan tinanggalan ng pwesto ang ilang mambabatas na hindi kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring nasa likod ng ouster plot.
Sa pagsisimula ng House Plenary Session kahapon (Lunes) ay agad na nagmosyon si Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep Crispin Remulla na ideklarang bakante ang ilang Chairmanship position sa Kamara kung saan walang tumutol.
Si House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab ay tinanggal sa pwesto at pinalitan sya ni House Committee on Games and Amusement Chairman at ACT CIS Rep Eric Yap; ang pwesto ni Yap ay uukupahin naman ni Abra Rep. Joseph Bernos.
Ang kinatawan ng Kamara sa Presidential Electoral Tribunal(PET) na si Mindoro Rep Doy Leachon ay tinanggal sa pwesto at pinalitan ni Kabayan Rep. Ron Salo.
Si Leachon ay tahasang kumakalaban kay Cayetano at kilalang kaanib ni Speaker-in-waiting Marinduque Rep Lord Allan Velasco.
Una na nitong sinabi na walang katotohanan ang coup attempt na sinasabing ang nasa likod ay si Velesco, aniya, palagi niyang kasama si Velasco at walang ganitong mga plano kung saan hinamon pa nito si Cayetano na pangalanan ang sinasabi nitong 20 mambabatas na nagsumbong na mayroong kudeta laban dito.
Tinuturo naman si Ungab na siyang nag-report kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Budget and Management (DBM) ng bilyong pisong parking funds sa 2020 national budget na nakalaan para sa mga mambabatas.
Kilalang kaalyado naman ni Cayetano si Salo kung saan naging matapang ang mga pagbabatikos nito sa mga mambabatas na kumakalaban sa House Leadership.
Samantala, binuweltahan naman ng House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na marunong siyang sumunod sa usapan dahil lalaki siyang kausap.
Kasunod na rin ito sa sinasabing nilulutong pagpapatalsik sa kanya na pinamumunuan ni Velasco.
Ngunit sa kabila nito, ayon kay Cayetano, patuloy pa rin niyang panghahawakan ang kanilang naging kasunduan na ‘term sharing’ sa speakership na mismong inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Yes, walang duda dun. Walang duda dun,” tugon pa ni Cayetano nang tanunging ukol sa kanilang naging kasunduan ni Velasco.
Inaasahang magtatapos ang 15 buwan ni Cayetano sa darating na buwan ng Agosto.
Dahil na rin dito, tatalima siya anuman umano ang nais ng Pangulo bilang lider ng political coalition pagdating sa liderato ng kapulungan. (Ara Romero)
-
Bond Is Back In An Action-packed 30-second New Trailer of ‘No Time to Die’
UNIVERSAL Pictures just released a new trailer of No Time to Die the 25th installment of the legendary franchise. After multiple delays, fans worldwide will once again see Daniel Craig wield his fancy gadgets and burn rubber in the latest adventure of James Bond. This is Craig’s fifth and final turn as fictional […]
-
Lim kinabog ang karatista ng Turkey sa isang praktis
Mukhang maganda ang tinatahak ni 32nd Summer Olympic Games 2020 karate hopeful Jamie Christine Lim at mga kasama sa national team na naghahanda para Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13. Base ito sa latest Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medalist at […]
-
Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang
IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19. Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus. […]