• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

 

 

Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Pari, kinakailangan ng naangkop na hakbang upang tugunan ang tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa gitna pagbubulag-bulagan ng lahat lalu na ang mga opsiyal ng pamahalaan.

 

 

Umaasa si Fr. Buenafe na magsilbing daan ang pagsusuri ng U-N-H-R-C Universal Periodic Review upang maobliga ang administrasyong Marcos na siyasatin at bigyang katarungan ang mga human rights violation sa bansa partikular na noong nakalipas na administrasyong Duterte.

 

 

“The Universal Periodic Review must push the Marcos administration to end impunity and exact accountability for human rights violations. The victims demand justice. Mr. Remulla what is needed is real action for real justice.”  pahayag ni Fr. Buenafe

 

 

Matapos ang pagsusuri, inirekomenda ng U-N-H-R-C) sa Marcos administration ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng extrajudicial killings at iba pang human rights violation sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Naunang iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na walang umiiral na ‘culture of impunity’ sa bansa.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi tugma ang tala sa tunay na bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte kung saan nasa 7,000 lamang ang opisyal na tala ng pulisya habang aabot naman sa mahigit 30,000 ang datos na naitala ng mga human rights groups. (Daris Jose)

Other News
  • Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman

    Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process.     Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]

  • Isa patay, 52 sugatan sa gumuhong ikalawang palapag ng isang simbahan sa Bulacan

    NAKAPAGTALA  na ng isang patay at umakyat na sa 52 ang sugatan sa nangyaring pagguho ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte, Bulacan sa kasagsagan ng misa para sa Ash Wednesday ngayong araw.     Ayon kay Mayor Arthur Robes, kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na […]

  • “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” WILL GET YOUR BLOOD PUMPING, SAYS DAVID HARBOUR

    DAVID Harbour always knew that director Neill Blomkamp (Elysium, District 9) would bring a genuinely exhilarating feel to Gran Turismo: Based on a True Story. But he didn’t realize how authentic his own experience would be while filming the movie.          “I knew Neill would bring a visceral, blood pumping feel to the movie,” says […]