• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN

NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col Jessie Tamayao, kaagad namang naaresto ng rumespondeng pulis ang suspek na si Rolando Vinluan, 55 subalit hindi narekober ang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, alas-8:20 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng bahay ng huli nang mauwi ang dalawa sa mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan ang mga ito.

 

“Palaging nagkakaroon ng pagtatalo ang mga iyan kapag nag-iinuman, tapos naaayos naman pero kapag nag-inom ulit, nauungkat yung kanilang mga lumang pinagtatalunan,” ani Sgt. Baroy.

 

Nang maramdaman ng suspek na natatalo siya sa suntukan ay kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

 

Sa kabila ng tinamong saksak, nagawang makatakbo ng biktima palabas hanggang sa makahingi ng tulong sa kanyang live-in partner. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Higit 1K bilanggo sa Manila City Jail may TB

    INIULAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis.     Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas.     Mayroon pa umanong nasa 200 […]

  • Price ceilings sa school supplies ipatupad

    PINAKIKILOS  ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.     Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies  sa halip […]

  • City bus humihingi ng fare hike

    MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.       Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng […]