• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP chief, nakipagpulong sa mga Muslim Leaders sa NCR

NAKIPAGPULONG si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim Leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo. Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa.

 

Pinangunahan ni NCR Grand Mufti Dr. Al-Sheick Abdeljabar Macarimbor ng Filipino- Arab Alliance and united Muslim Ummah Federation for Socio-Economic and Peace Development.

 

Naniniwala kasi si chief of staff na mahalaga na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at ng nasabing grupo.

 

Una ng hiniling ni Gapay na makapulong ang mga Muslim leaders dito sa Metro Manila.

 

Binigyang-diin ni AFP chief sa nasabing pulong ang posisyon nng AFP na protektahan ang Madrasah o Madaris mula sa terrorist exploitation.

 

Ang Madrash o Madaris ay isang educational institution na nagtuturo ng Islamic studies at Arabic literacy.

 

Siniguro ni Gapay na magpapatuloy ang kanilang engagement sa grupo para mapalakas pa ang kanilang partnership sa isa’t isa.

 

Magugunitang unang nag-“reach out” si Gen. Gapay sa mga muslim leaders matapos niyang linawin na Hindi niya ibig sabihin na nagtuturo ng terrorismo ang mga madrasah o muslim schools sa kanyang pahayag na babantayan ng AFP ang mga ito.

 

Sa pagpupulong sa Camp Aguinaldo, nagpasalamat si Gen. Gapay sa pakikiisa ng muslim community sa adhikain ng AFP na mapigilan ang mga lawless elements na naghahasik ng terrorismo.

 

Kabilang pa sa mga nakipagpulong kay Gen. Gapay sina: Grand Imam Alem Maguid A. Tahir; Aleem Ahmad Kudarat; Aleem Abubacar Talib Manamping; Datu Umbria P. Mama; Aleem Hanip Sarip; Aleem Aliasgar Abolais; Mohammad Alioden Manalinding; Aleem Nashroden Alamada; Alihasan Taha; Aleem Khalid H. Matling; Aleem Abdulhamid Mustapha; Hismam H. Sedic; Abdul Malik Calauto; Almanzor I. Hajishaq; Abobacar T. Manampen; Sherwina Ali; Secretary to the NCR Grand Mufti Alex Y. Lebria; Bai Rohaniza Sumndad- Usman.

Other News
  • EX-PNP chief Purisima inabswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury

    LUSOT sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division.   Kaugnay ito ng diumano’y kabiguan niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.   Sinabing pagmamay-ari ng […]

  • Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis

    UMAPELA  ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.     Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.     Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang […]

  • Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues

    NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works.     Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura.     Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]