• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.

 

 

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa mga Pinoy sakaling mas lumala pa ang sitwasyon.

 

 

Sinabi ni Aguilar na handa silang gamitin ang mga aircraft ng bansa sa pagliligtas sa mga Filipino mailayo lamang sa patuloy na Israel-Hamas war.

 

 

“We have to deploy our own aircraft there to make sure they can be transported a short distance. From the temporary safe haven, they can now fly through commercial aircraft going back to the Philippines,” ani Aguilar.

 

 

Batay sa report nasa 131 Pinoys sa Gaza Strip ang umalis na kasunod ng kautusan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mandatory repatriation.

 

 

Inaasahang tatawid ng border ng Egypt ang mga Filipino kung saan susunduin ng mga opisyal ng Philippine government pabalik ng bansa.

 

 

Sinabi naman ni Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nasa 35 Pinoy sa Israel ang nagnanais na makabalik ng Pilipinas.

 

 

“They might arrive in the Philippines “hopefully within this week,” Cacdac.

Other News
  • Pagunsan all-set na sa 2nd day ng torneo sa Tokyo Olympics

    Nakahanda ng sumabak sa ikalawang round ng men’s individual golf sa Tokyo Olympics ang pambato ng bansa na si Juvic Pagunsan.     Nasa pang-limang puwesto kasi ito sa unang round ng torneo na ginanap sa Kasumigaseki Country Club.   Sa unang round ay naantala ng isang oras ang laro dahil sa naranasang pagkidlat.   […]

  • MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX

    Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).     Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang […]

  • Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC

    HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers.     Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor.     Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga […]