• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP nagbigay pugay nang ‘snappiest salute’ sa ex-commander-in-chief kay PNoy

Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagbibigay ng military honor para sa namayapang dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

 

Binigyan ng militar ng traditional gun salute ang namayapang dating pangulo sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa bilang pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.

 

 

Ayon kay Sobejana, binigyan nila ng kanilang snappiest salute ang dating pangulo at nangakong ipagpatuloy ang kanilang mandato.

 

 

Giit ni Sobejana mananatili sa mga kampo ng militar ang legasiya ng dating pangulo.

 

 

Ang eight-gun salute ay simultaneously fired sa Camp Aguinaldo, Quezon City; Fort Andres Bonifacio in Taguig City; Jesus Villamor Air Base in Pasay City; Fort Abad in Manila; Fort Gregorio del Pilar in Baguio City; at sa lahat ng AFP Unified Command Headquarters sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Isang buong araw ang iginawad na military honors ng AFP simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw ay binigyan nila ng eight-gun salute, sinundan ito ng gun fire every half-hour simula alas-6:00 kaninang umaga hanggang retreat time alas-5:00 ng hapon, kung saan binigyan muli ng eight-gun salute.

 

 

Alas-10:00 ng umaga nang magtipon-tipon ang mga sundalo sa lahat ng mga military camps, stations at bases nationwide para opisyal na basahin ang Notice of Death ng dating pangulo.

 

 

Naka-half mast na rin ang bandila ng Pilipinas sa buong kampo ng militar sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Sobejana kailanman hindi nila makakalimutan si dating Pangulong Aquino na siyang nagsulong para palakasin pa ang defense and security capabilities ng AFP para labanan ang anumang banta.

Other News
  • Bagong Maersk mega-facility, palalakasin ang PH logistics system-PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong mega distribution facility logistics giant na Maersk, nakikita ito na magpapalakas sa import at export activities ng bansa at dalhin ang logistics system ng Pilipinas para maging “a powerful force.”     “With the grand opening of the Maersk Optimus Distribution Center, our logistics […]

  • Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency

    NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina  Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent.   Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy […]

  • PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]