• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, positibo na kayang maabot ng bansa ang Herd Immunity sa COVID

POSITIBO ang Malakanyang na sapat nang mabakunahan ang 66 na porsiyento na populasyon ng bansa para maabot ang pagkakaroon ng Herd Immunity.

 

Ito’y  sa harap na rin ng ulat na may mga Filipinong mas gugustuhing huwag na lamang magpabakuna ng COVID -19 vaccine.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t mas maigi sanang lahat ay mabigyan ng bakuna ay hindi naman pipilitin ng pamahalaan sa kabilang banda ang mga ayaw magpaturok ng anti-COVID vaccine.

 

Aniya, kakayanin na namang makamit ng bansa ang Herd Immunity  na maaaring maabot kung malaking bahagi o mayorya ng populasyon ay mabibigyan ng bakuna.

 

At kung makakamit ang Herd Immunity ay mahihinto na rin ang transmission o pagkalat ng virus.

 

Aniya, mangyayari ang Herd Immunity kung ang karamihan ng mga tao sa isang komunidad ay immune na sa isang infectious disease. (Daris Jose)