AFP, tiniyak na nakamonitor sa kalagayan ng mga naapektuhan ng typhoon Egay
- Published on July 27, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK naman ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng typhoon Egay.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nauna nang inalerto ang kanilang mga batalyon na nasa lugar na apektado ng lakas ng nasabing typhoon.
Pangunahin dito ay ang mga kagamitan ng mga nasabing unit na kinabibilangan ng 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade (51EBde) na nakabase sa Camp Atienza, Libis, Quezon City.
Maliban sa Engineer Batallion, kumpleto aniya ang bawat unit ng AFP para tumugon sa anumang pangangailangan ng mga apektadong residente na nais mailikas.
Bawat unit ng AFP aniya ay mayroong Disaster Response Operations TEAs (Tools, Equipment, Accessories).
Ang mga ito ay magagamit sa mga isasagawang rescue operation, relief, at maging sa mga clearing operation sa mga lugar na apektado ng typhoon Egay.
Samantala, ang mga nasa baybaying lugar sa extreme Northern Luzon ay may banta ng storm surge dahil sa typhoon Egay
Nagbabala ang state weather bureau sa mga komunidad partikular na ang mga nasa mabababa at baybaying lugar sa mga probinsiya sa Cagayan, Isabela, Ilocos Norte at Ilocos Sur dahil sa storm surges dahil sa super typhoon Egay.
Inaabisuhan ang mga residente sa mga lugar na ito na lumikas at kanselahin muna ang lahat ng maritime activities.
Ayon sa kay weather specialist Lorenzo Moron, mataas ang panganib ng super typhoon at maaaring ikumpara ito sa bagyong Ompong noong 2018 pagdating sa epekto at posibleng mahigitan pa dahil nasa super typhoon category ito.
Una rito, ilang mga lugar na sa Cagayan at Isabela ang inilagay sa red storm surge warning kung saan ang storm surge na mahigit 3 metro ay maaaring magdulot ng pinsala sa coastal at marine infrastructure.
Samantala ang mga coastal area naman sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur at iba pang bahagi ng Cagayan ay inilagay na sa orange storm surge warning, ibig sabihin ang storm surge ay maaaring umabot pa sa taas na 1.2 hanggang 3 metro. (Daris Jose)
-
Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown
Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia. Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]
-
Tahasang inamin na matagal na silang hiwalay ni Lee: POKWANG, sinagot ang mga bashers na nagsabing na-karma siya
MISMONG si Pokwang na ang nagkumpirma na hiwalay na nga silang talaga ng American partner na si Lee O’Brian o si Papang. Sa interview sa kanya ng PUSH.com ay tahasang sinabi ni Pokwang na hiwalay na nga raw sila ni Papang noon pang November 2021. Personally, knows din namin ito matagal na, pero […]
-
Pagbabasbas at pasinaya sa Takino pumping station
PINASINAYAAN at pinabasbasan nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opsiyal ng pamahalaang lungsod ang bagong bukas na TAKINO pumping station na makakatulong sa mabilis na paghupa ng baha tuwing high tide o kung may bagyo, bilang bahagi pa rin ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. (Richard Mesa)