• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

 

 

Na humantong nga sa kasalan ng dalawa at pagkakaroon ng apat na anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

 

 

Kaya masasabing malaking atraksyon ang pagkakasama nina Lotlot at Monching sa cast ng naturang serye.

 

 

Noon, lahat ng pelikulang gawin nila ay patok sa takilya, maging ang anumang TV show na pinagsamahan ng dalawa.

 

 

Hindi man naging forever ang kanilang relasyon, nananatili naman silang magkaibigan kaya walang nagiging problema kapag may mga proyekto na sila ang magkasama.

 

 

At makalipas ang dalawampung taon, ngayon lamang sila muling magiging magkapareha dahil gaganap silang mag-asawa sa ‘The Write One’.

 

 

Ano ang naging reaksyon ni Lotlot nang malaman niya na kinukuha sila ni Monching para maging mag-asawa?

 

 

“Actually you know it’s always a blessing to have a project but it’s a double blessing if you’re working with the right people.

 

 

“And kung maganda yung outcome ng project. And when it was presented to me and I heard about the story I said why not?

 

 

“And then they said Mon was going to be there and I said why not?

 

 

“And it’s been twenty years this year since we’ve done anything together onscreen.

 

 

“And it’s so nice to be able to work with all these young actors and our production, our director, na sobrang nakalatag lahat yung plano nila, ang ganda!

 

 

“Ang ganda lang lahat, smooth-sailing lahat, everything was smooth and prior to this project naman, we have four children in between us. We never had a problem. This is actually a blessing. Masayang masaya lahat ng anak namin that were together in this project.”

 

 

Masaya rin si Monching sa pagkakataong muling makapareha si Lotlot.

 

 

“Masaya naman talaga ako, very happy to be working with Lot again. “Napakaganda ng project talaga.

 

 

“Noong una siyempre medyo ninenerbiyos ako kasi nga matagal kaming hindi nagwo-work so baka hindi na sanay.

 

 

“E noong araw pa, award-winning talaga ‘yan,” sinabi ni Monching.

 

 

***

 

 

CONCERT artist na si John Arcilla!

 

 

Ito ang kinumpirma ng movie producer na si Edith Fider ng Saranggola Productions na siya ring producer ng pinagbidahang pelikula ni John, ang ‘Suarez, The Healing Priest.’

 

 

Noon pa pala plano ni Edith na ipag-produce ng concert si John, iyon nga lamang ay nagkaroon ng pandemic na dulot ng COVID-!9.

 

 

Sobrang bilib ni Edith sa ganda ng boses ni John kaya naman si John rin ang pinakanta niya ng theme song ng movie, ang “Yakapin Mo Ako”.

 

 

Double victory nga si John sa katatapos lamang na 37th Star Awards For Movies dahil nanalo si John bilang Best Actor para sa ‘Suarez, The Healing Priest’ at pati ang theme song ng pelikula na si John nga ang interpreter ay wagi rin bilang Indie Movie Original Theme Song Of The Year.

 

 

Kaya naman pinaplantsa na ang mga detalye para sa upcoming concert ni John, hinihintay na lamang na matapos ang taping ni John para sa ‘Dirty Linen’ para dire-diretso na ang preparasyon para sa kanyang pinakaunang major concert dito sa Pilipinas.

 

 

Sa tanong kung sino ang nais niyang maging mga special guest sa kanyang concert, si Regine Velasquez ang una niyang binanggit.

 

 

Naging leading lady na raw niya ang Asia’s Songbird noon sa isang musical stageplay kung saan gumanap si John bilang Crisostomo Ibarra at si Regine si Maria Clara.

 

 

So bago pala sumikat sina ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie Forteza at Dennis Trillo sa Maria Clara At Ibarra ay nauna na pala sina John at Regine.

 

 

Malamang ay sa September ang concert ni John.

 

 

Samantala, ang Saranggola Productions rin ang producer ng ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’ na isang musical film tungkol sa buhay ni Rey Valera.

 

 

Entry ito sa first Summer Metro Manila Film Festival na tatakbo mula April 8 hanggang April 18.

 

 

Pagbibidahan ito bilang Rey Valera ni RK Bagatsing, sa direksyon ni Joven Tan.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon

    SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.   Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.   Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng […]

  • Sotto todo na ang G League training

    MAHIGIT isang linggo na nagt-training camp si Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa Ignite Team para sa paglalaro sa nalalapit na pagbubukas sa taong ito ng 19th National Basketball Association (NBA) Gatorade League sa Estados Unidos.     Kasama ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom na nasa Walnut Creek, California na sina […]

  • 4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela

    Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25. […]