After Gretchen at Claudine… JULIA, ‘di pa rin makapaniwalang makatatambal si AGA
- Published on July 10, 2023
- by @peoplesbalita
WILLING pala si Kapuso actress Carla Abellana na mag-guest sa afternoon noontime show na “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network, kung mai-invite at papayagan naman siya.
Natuwa nga raw siya sa collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, “it’s very surprising, but also refreshing, kaya payag akong mag-guest o mag-host sa “It’s Showtime.”
Sa ngayon ay busy si Carla sa taping ng teleseryeng “Stolen Life” sa GMA, na muli niyang makakasama si Gabby Concepcion at first time naman niya makakatrabaho si Beauty Gonzalez.
“I love Beauty, she’s very giving as a co-actor, I love her energy, I love working with her,” wika ni Carla. “With Gabby naman, ang ganda ng pinagsamahan namin sa teleseryeng ginawa namin, yung “Because of You.” Masayahing tao si Gabby, easygoing, di siya mahirap katrabaho and nakakatuwa.”
“Medyo lamang mahirap ang role namin ni Beauty sa “Stolen Life,” pareho kaming nagiging good at nagiging bad, dahil iyong mga souls nila lumilipat sa katawan ng isa’t isa. First time lamang naming nakaganap ng dual role, pero na-challenge kami portraying our roles.”
Ayon pa kay Carla last January pa raw sila nag-start mag-taping at very soon ay mapapanood na rin sila sa GMA Afternoon Prime.
***
HALOS hindi pala makapaniwala si Julia Barretto nang mabalitaan niya na makakatrabaho niya ang dramatic actor na si Aga Muhlach. Magtatambal ang dalawa sa pelikulang “Forgetting Canseco” ng Viva Films.
“I don’t know his real life, I’m on cloud 9, I’m deeply honored and really grateful to be a part of this. I meant it when I said I’m excited but really nervous. I’m working with the original heartthrob and the legend,” nakangiting sabi ni Julia.
Ang nakatambal ni Aga noon ay ang mga aunties niyang sina Gretchen at Claudine Barretto, Kaya nakakaramdam daw siya ng hiya sa veteran actor, at nahihiya pa rin daw siya kung paano niya i-address si Aga.
Nang mag-look test nga raw sila, nag-request siyang ipadala ang photo nila sa kanya at ipinadala niya iyon sa mommy niya, si Marjorie Barretto.
“This is my dream project. I’m really happy that this is happening. I don’t have any doubts. I don’t want to contradict anything that we will do. I’m really overwhelmed and I’m just grateful.”
Very soon ay magsisimula na silang mag-shooting ng pelikula.
“I’m excited to learn, I’m excited to be stretched in so many ways doing this film,” sabi pa ni Julia.
***
NAG-GRADUATE ng Mass Communication si Cesar Montano sa Lyceum of the Philippines University last April 2009, pero hindi siya huminto sa pag-aaral, kahit panahon ng pandemic.
And last Thursday, July 6, 2023, muling nagtapos ng bagong course ang multi-awardee actor at the age of 60, at Master in Public Safety Administration ang tinapos ni Cesar mula sa Philippine Public Safety College (National Police College). Tumanggap din siya ng Best in Policy Paper Award. Scholar si Cesar sa Philipping Safety College at isa siya sa 47 members ng regular class ng RC 2023-2024 na tumanggap ng diploma.
Si Cesar ang nag-iisang showbiz personality sa kanilang klase na kinabibilangan ng mga police officers na may rank na lieutenant colonel, jail officers (mula chief inspector hanggang senior superintendent), coast guard commanders, doctorate degree holders, school administrators at principals at mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Isa na ngayong ganap na public safety expert si Cesar. Congratulations!
(NORA V. CALDERON)
-
Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna
PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon. Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na […]
-
MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office. Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]
-
Kahit excited na sa pagiging lola: SYLVIA, tahimik pa rin sa naging pag-amin nina ZANJOE at RIA
MULING napapanood sa Channel 2 – ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System, ang ‘It’s Showtime.’ So, kahit palabas din ito sa GMA 7 ay kasabay na ring mapapanood sina Vice Ganda and co. sa naturang network. Walang announcement tungkol ang namamahala ng nabanggit na noontime show at marami ang […]