• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After na magsulat ng sariling screenplay: BEAUTY, nasa plano ang pagdidirek ng isang drama movie

WALANG isyu kay Baron Giesler kung hindi papalitan ng anak niya kay Nadia Montenegro na si Sophia Asistio ang kanyang apelyido nito.

 

 

Alam naman din ng publiko na siy ang tunay na tatay ni Sophia.

 

 

Hindi rin naman itinanggi ni Baron na nag -uusap din daw naman sila ni Nadia at open ang komunikasyon nila ngayon ni Sophia.

 

 

Kumbaga, walang problema na dapat pag-usapang isyu sa kanila ni Nadia at lalo na sa anak niya.

 

***

 

NAGPAPASALAMAT si Beauty Gonzales sa Itaas dahil tuloy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya.

 

Pagkatapos ng kanyang ginawang “Kadenang Ginto” years ago sa Kapamilya network ay nagtuloy-tuloy ang dating ng mga proyekto kay Beauty.

 

Ngayong nasa Kapuso na siya ay bumongga rin ang kanyang karera.

 

This coming 2005 ay sunod-sunod ang uumpisahan niyang projects.

 

“I’m gonna start another film next year. And then, I’m doing ‘Prinsesa ng City Jail’ and I’m writing my own screenplay.” Sey pa ni Beauty sa mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”

 

Dagdag pa rin ng magandang aktres na posible rin daw na siya ang magdirek ng ginagawang screenplay.

 

“It’s gonna be for a movie. Maybe, I would direct,” pag-amin pa niya.

 

“Gawin ko muna ‘yung script. Then saka ko tutukan yan,” banggit ni Beauty.

 

Malamang daw na isang drama movie ang ididirek niya sa unang pagkakataon.

 

Aminado naman si Beauty na wala raw naman siyang pormal training sa larangan ng pagdidirek at pati sa pagsusulat ng script.

 

“It’s just that I just have a concept, and, you know, when you have a concept, you just need to have good writers. So, I’m still looking for writers; I’m just doing a stopover. I mean, bilang miss utosera naman ako, hindi ko naman kaya magsulat ng script saka ‘yung Tagalog,” pag-amin pa niya.

 

Abala rin naman siya sa paintings kung saan isa rin daw yun sa kinahihiligan niya.

 

Pero kung siya raw ang tatanungin ay hindi raw naman magandang pinag-uusapan ang tungkol sa mga koleksyon niya painting at maging ang mga pinipinta niya.

 

“When you talk about your own art, nagiging cheap na,” katwiran niya.

 

But still proud pa rin naman at ipinagmamalaki pa ni Beauty na may collection din daw siya ng nude paintaings niya.

 

Ang ilan daw ay gawa ng mister niyang artist din.

 

At may mga ipininta rin daw ng mga famous local artist.

 

Kumportable naman si Beauty na magpapinta ng hubad. Dahil katwiran niya na kapag hindi siya kumportable ay doon daw magkaroon ng malisya.

 

Pero ang mga yun daw ay “for their eyes only “ lang at hindi niya pwedeng ipakita sa iba.

 

Inamin din naman ni Beauty na nagpipinta rin siya.

 

“Yeah, nagpi-paint ako but it’s just for myself. I don’t like talking about my art,” pailing-iling pa niyang bandit.

 

Anyway, sa Sagada magpa-Pasko at Bagong Taon si Beauty kasama ang mister at anak.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Yulo lilipad sa Japan sa Oktubre 14

    NAKATAKDANG magtu­ngo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan para pasalamatan ang mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon.     Tutulak sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar.     Makikipagkita si […]

  • Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF

    SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3.   Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa.   Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]

  • PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa gobyerno ng Haiti

    NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin nang malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa.   “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte extends his sincere condolences to the government and to the people of Haiti for the tragedy and […]