After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.
Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw.
Sa post ng grupo sa X (dating Twitter), ang collaboration song ng SB19, kasama sina Ian Asher at Terry Zhong ay number one sa music charts sa Pilipipinas, Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar noong May 5.
Umabot din ang kanta sa 10th place sa iTunes sales worldwide noong May 4.
“SLMT ng sobra for swimming, A’TIN!” saad ng SB19 sa post.
Hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.
Inilabas ng SB19 ang “Moonlight” noong May 3, at kasunod ito ay inilabas din ang music video na si Justin de Dios, miyembro ng grupo, ang nagdirek.
Si Jay Roncesvalles naman ang nasa likod ng choreography ng “Moonlight,” na siya ring may gawa ng viral “GENTO” dance steps.
Matapos ang PAGTATAG! World Tour nila sa Dubai at Japan, magkakaroon ng back-to-back concert ang grupo sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.
***
NAG-UWI ng panibagong parangal ang full action series na Black Rider.
Hinirang ito bilang Most Development-oriented Drama Program sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards.
Nominado rin para sa parehong categorya ang hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.
Kinikilala sa taunang Gandingan Awards ng UP Community Broadcasters’ Society ng University of the Philippines Los Baños ang mga programa sa telebisyon, radyo, at online na nagpo-promote ng pag-unlad ng mga Pilipino.
Kamakailan lang, nakatanggap rin ang Black Rider ng bronze medal mula sa New York Festivals TV and Film Awards para sa kategoryang Entertainment Program: Drama.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider.
(RUEL J. MENDOZA)
-
P42-M tulong sa typhoon-stricken Caviteños
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes ang distribusyon ng financial assistance na nagkakahalaga ng P42.33 million sa mga magsasaka at mangingisda sa Cavite province na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Super Typhoon Leon (Kong-rey). May kabuuang 4,233 benepisaryo mula 21 munisipalidad sa lalawigan ang nakatanggap […]
-
Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos
LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon. […]
-
China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability
HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea. Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea. Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang […]