• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After nang kinagiliwang vlogs kasama si Borgy: Sen. IMEE, nakipag-bonding naman kay Atty. MICHAEL sa isang rare interview

ISA na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na dalawang bagong vlogs ang hatid ni Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na YouTube channel na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.

 

Una na rito, nagbigay-pugay si Sen. Imee sa kanyang ama at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., bilang pagunita sa ika-33 na anibersaryo ng kamatayan nito.

 

 

Sa special at heartwarming na vlog na ito, isang grupo ng mga Marcos loyalists ang magbabahagi ng kanilang mga alaala kasama ang Pangulo na kung tawagin nila ay ‘Apo Lakay’.

 

 

Habang magbibigay naman ng isang insightful tour si Mamerta Agustin sa loob ng sikat na Marcos Museum sa Ilocos Norte. Ipakikita rin sa vlog ang pagdalaw ng Senadora sa kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

At dahil na rin sa request ng milyun-milyong tagahanga, ngayong Sabado, Oktubre 1, nakipag-bonding si Sen. Imee sa kanyang ikalawang anak na si Attorney Michael Manotoc, para sa pinaka-kuwela at rare intimate interview.

 

 

Mapapanood sa vlog ang mga aspeto ng pagkatao ni Atty. Michael na hindi pa nakikita ng publiko.

 

 

Ang trending na successful interview ni Sen. Imee sa kanyang panganay na si Borgy Manotoc ang sinundan ng vlog na
ito, kung saan si Michael naman ang bida habang ipinapasilip niya ang ilan sa mga impormasyon sa kanyang personal na buhay.

 

 

Mapapanood din rito kung paano ipinagtanggol ni Atty Michael ang kanyang sarili sa nakaka-aliw na paratang sa kanya ng mga kapatid na sina Borgy at Ilocos Norte Governor na si Matthew Manotoc na siya ay “iyakin.” Habang ipinapakita rin ang kanyang pakikitungo sa ina na si Sen. Imee sa nakakatuwang tsikahan nila.

 

 

Ipagdiwang natin ang buhay at pamana ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at magpakasaya sa front seat pass sa exclusive bonding moment nina Sen. Imee at Atty. Michael.

 

 

‘Wag ding kalimutang mag-subscribe
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • FAJARDO, 7 PA OUT SA PBA PH CUP

    WALA nang atrasan pa ang 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa Linggo Oktubre 11 sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.   Nasa Clark Freeport Economic Zone bubble na rin ang buong delegasyon ng PBA, sa pangunguna ng 12 teams na kalahok sa all-Pinoy conference. Nagsimulang […]

  • BAGONG COMELEC CHAIRMAN NANGAKONG DEFENDER NG DEMOCRACY

    NANGAKO  na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng  Commission on Elections (Comelec)  nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.     Sa isang seremonya ng pagsalubong kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, binanggit nito na sa ilalim ng kanyang termino ay palalakasin niya ang “sanctity of vote […]

  • Ads June 6, 2024