• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JULIA, tinanong ng netizens kung pang-ilang ‘shampoo’ na siya ni GERALD; relasyon nila tinataningan din

MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila.

 

 

Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng intimate message sa boyfriend.

 

 

Pero, sa kabila ng pag-amin nila, bakit ba tila ang dami pa rin talaga na “nega” sa relasyon ng dalawa.

 

 

At dahil nagkaroon ng mims tungkol sa mga actress na na-link kay Gerald na halos lahat ay endorser ng iba’t-ibang shampoo brands, may netizen na nagtanong sa IG post ni Julia nang, “pang-ilang shampoo ka na?”

 

 

May tahasan pang nag-comment kay Julia nang, “Sana all fineflex Hahahaha sana di moi na dineny noon gir, jusq.”

 

 

“I still remember how she denies everything.”

 

 

At ang ina-assume nga na sagot ni Bea Alonzo sa naging pag-amin ni Gerald, ang daming nag-reply sa IG post ni Julia nang, “The ultimate truth teller.”

 

 

Katulad nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba, may nagtataning na rin sa relasyon ng dalawa na kesyo magbi-break din daw.

 

 

***

 

 

WALA raw problema kay Joaquin ‘JD’ Domagoso kung madalas na naikukumpara man siya ngayon sa tatay niya, si Mayor Isko Moreno lalo na noong panahong nagsisimula pa lang din itong mag-artista.

 

 

“Basta ako, mas pogi ako,” biro niya.

“Given naman yun na mako-compare kami. But that’s not my focus naman. That’s what he want to do when he was a kid and ako naman, gusto ko rin namang mag-artista. 

     “So, hindi ko naman kino-compare yung mga achievements niya sa akin. We have our own phases and experiences.”

At tahasan din sinabi ni JD na ayaw niyang tumira sa Malacanang at hindi rin naman daw tatakbong Presidente ng bansa si Yorme.

Kasi nga, sa March 15, magpa-pilot na ang kanyang primetime series sa GMA-7, ang First Yaya na kunsaan, umiikot din ang kuwento sa buhay ng Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion.

    “Ayoko po, ayoko po talaga,” sey niya.

“Baka mag-iba ang tingin ng tao sa akin. Mahirap ang buhay e, may bodyguard ka na palagi. Paano ka makaka-enjoy sa buhay?”

     At sabi niya, “Actually, ang Dad ko, ayaw rin naman niyang mag-Presidente. Hanggang Mayor lang siya.”

 

 

     ***

 

 

HULING Linggo na pala ngayon ng GMA Telebabad na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

 

Kaya naman tutok lahat sa magiging ending ng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez, gayundin nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

 

 

Then, ang Love of My Life naman, nasa huling dalawang Linggo naman na ang intense ng bawat episodes, sa true lang.

 

 

Simula ngayong Lunes, parang tapatan muli ang Kapuso at Kapamilya.  Yun nga lang, sa ibang network na napapanood ang mga serye ng ABS-CBN at dito malalaman kung kahit nasa TV5 na ito, talagang susundan pa rin ng mga manonood, kasama na kasi ang highest-rating and long-running primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Pero mukhang hindi nauubusan ng pambala ang Kapuso network. Magtatapos man ngayong Linggong ito ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, inaabangan na ang papalit dito  na First Yaya.  (ROSE GARCIA)

Other News
  • Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP

    TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na  taunang ‘traditional dinner’ para sa  […]

  • Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo

    HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon.     Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato.     Move on na raw […]

  • “Pabilisin ang implementasyon ng vaccination rollout plan upang makamit ang herd immunity” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS– Iniutos ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pagpapabilis ng implementasyon vaccination rollout plan o disenyo ng lalawigan upang mabakunahan ang higit dalawang milyon pang Bulakenyo para makamit ang herd immunity sa ginanap na Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Meeting noong Huwebes.       “Ito ngayon ang focus natin, mabilis at maayos na sistema ng […]