After ng bakasyon sa Amerika: ANDREA, nakabalik at naka-quarantine na tama lang sa araw ng Pasko
- Published on December 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika.
Naka-quarantine pa ngayon si Andrea pero nag-share na siya ng video sa kanyang social media account na na-miss niya ang Pilipinas at tama lang daw ang uwi niya para sa nalalapit na Pasko.
October noong lumipad for Argentina si Andrea para mag-shoot ng international film na Pasional kunsaan ang role niya ay si Mahalia, isang tango dancer and a jury member of the International Tango Dance Festival.
Noong matapos na ang shooting ni Andrea, dumiretso siya sa US kasama ang inang si Emerita Torres para magbakasyon. Dinala ni Andrea ang ina niyang mamasyal sa Getty Villa, The Grove, Santa Monica Pier, Rodeo Drive, and Warner Bros. Studio Tour in Hollywood.
Huling napanood sa Legal Wives si Andrea at naghihintay na lang ito ng next teleserye na gagawin niya.
***
GUSTONG makasiguro ni Rocco Nacino na magiging ligtas ang kanyang family members at ilang kamag-anak sa magiging Christmas gathering sa kanyang bahay.
Isang registered nurse sa tunay na buhay ang Kapuso leading man, kaya magsasagawa raw siya ng COVID-19 antigen test ng kaniyang pamilya para tiyaking ligtas ang lahat sa magiging pagtipon nila.
“Siyempre kailangang ingatan lalo na kapag may mga senior sa bahay. Bahay lang kami.
“Almost two years din kaming hindi nagkaroon ng reunion na pamilya because of the pandemic. Eh ang Pasko, blessed occasion yan para sa magkakamag-anak, ‘di ba?
“Dahil nasa low risk na ang NCR at pinayagan na ang family gatherings, gusto ko pa rin na makasiguro na safe kaming lahat. Para happy and healthy ang Pasko naming lahat sa bahay,” diin ni Rocco.
Nagtapos na ang teleserye ni Rocco na To Have And To Hold. May kanya-kanya ring Christmas vacations ang dalawang leading ladies niya sa teleserye.
Si Carla Abellana ay tuloy ang honeymoon with husband Tom Rodriguez sa US habang dito lang sa Pilipinas si Max Collins para ma-celebrate ang second Christmas ng anak nila Pancho Magno na si Skye Anakin.
***
HALF a billion dollars ang halaga ng music catalog ng rock singer na si Bruce Springsteen na ang Sony na ang may-ari.
According to The New York Times and US entertainment outlet Billboard: “The sale consists of Springsteen’s music catalog as well as his entire body of work as a songwriter such as iconic hit “Born in the USA,” which has sold nearly 30 million copies. Bruce is just getting an advance on his earnings, money that would have come in after his death.By selling to Sony, he knows that they will keep his music alive for decades to come. They kinda have to because they need to make their money back.”
Naging mabilis daw ang negotiation deal between Sony at ng 72-year old rocker. Higit na 50 years ang tinakbo ng singing career ni Springsteen na ang nickname ay “The Boss”. Higit sa 150 million ang nabentang albums ni Springsteen sa ilalim ng Sony’s Columbia Records.
Dahil pinagbawal ang live concerts noong magkaroon ng pandemic last year, nag-launch ng podcast ang Grammy-winning singer kasama ang former US President Barack Obama na “Renegades: Born in the USA.”
Bukod kay Springsteen, nagbenta rin ng kanilang music catalog sina Bob Dylan, Fleetwood Mac’s Stevie Nicks, Tina Turner, Neil Young, Blondie at Shakira.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Bagong CA Justice, isang Malacanang official
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals. Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base […]
-
Nominado silang tatlo sa ‘5th EDDYS’… JANINE, minana talaga ang galing sa pag-arte kina CHRISTOPHER at LOTLOT
INILILINYA na ngayon si Andrea Torres sa mga mahuhusay na aktres sa telebisyon lalo pa nga at buong-husay niyang naitatawid ang karakter niya bilang si Sisa sa ‘Maria Clara At Ibarra’. Iisa ang naging reaksyon sa naturang performance ni Andrea, puro papuri at paghanga sa kahusayan niya bilang isang aktres. “Hindi […]
-
ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES
Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City. Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang […]